Video editorial https://www.rappler.com RAPPLER | Philippine & World News | Investigative Journalism | Data | Civic Engagement | Public Interest Sat, 17 Jun 2023 06:07:39 +0800 en-US hourly 1 https://www.altis-dxp.com/?v=5.9.5 https://www.rappler.com/tachyon/2022/11/cropped-Piano-Small.png?fit=32%2C32 Video editorial https://www.rappler.com 32 32 [VIDEO EDITORIAL] Sanlibo’t isang laslas mula sa ‘Eat Bulaga’ at Tito, Vic, and Joey https://www.rappler.com/voices/editorials/video-thousand-and-one-cuts-eat-bulaga-tito-vic-joey/ https://www.rappler.com/voices/editorials/video-thousand-and-one-cuts-eat-bulaga-tito-vic-joey/#respond Sat, 10 Jun 2023 18:27:48 +0800 Sanlibo’t isang tuwa. 

‘Yan daw ang ligayang dulot ng Eat Bulaga sa loob ng higit sa 43 taon sa ilalim ng mga TV station na RPN9 at GMA7. 

Mabuti pang tawagin na rin nating sanlibo’t isang LASLAS.

Sanlibo’t isang laslas sa psyche ng kabataang manonood ang mga gumigiling na babaeng kakarampot ang saplot habang lalo pang sinesemento ang loyalty ng viewers gamit ang giveaways at papremyo.

43 taon din itong toilet humor, panlalait sa may kapansanan, sa bakla, sa pangit, at sa kababaihan, to name a few.

Dahil household name at walang sintaas ang ratings, hindi matatawaran ang ambag sa dumbing down ng mga Pilipino at pagsayad ng standards natin bilang isang bansa sa kung ano ang “entertainment.”

Panahon nang pag-usapan ang pamana na misogyny, sexism, toilet humor, at pambobobo ng pinakasikat na trio sa Philippine entertainment. Panahon na ring pag-usapan kung papaano hinuhubog ng telebisyon, at ngayon ng internet, ang values natin bilang isang bayan.

Ngayong aampunin na ng TV5 sina TVJ, ito ang pagkakataon ng mga manonood na sabihing, “We deserve better.” – Rappler.com

]]>
https://www.rappler.com/voices/editorials/video-thousand-and-one-cuts-eat-bulaga-tito-vic-joey/feed/ 0 [VIDEO EDITORIAL] Sanlibo't isang laslas mula sa 'Eat Bulaga' at Tito, Vic, and Joey Panahon nang pag-usapan ang pamana na misogyny, sexism, toilet humor, at pambobobo ng pinakasikat na trio sa Philippine entertainment Joey de Leon,media industry,Pepsi Paloma,Philippine media,sexism,television,Tito Sotto,TV5,Vic Sotto https://www.rappler.com/tachyon/2023/06/video-editorial-tvj.jpg
[VIDEO EDITORIAL] Sa gitna ng nag-uumpugang US at Tsina, mahalaga ang transparency https://www.rappler.com/voices/editorials/video-transparency-crucial-ferdinand-marcos-jr-navigating-us-china-conflict/ https://www.rappler.com/voices/editorials/video-transparency-crucial-ferdinand-marcos-jr-navigating-us-china-conflict/#respond Sat, 06 May 2023 22:43:27 +0800 “Times they are a-changin’.”

‘Yan ang sabi ng Malacañang Rappler reporter na si Bea Cupin sa kaniyang ulat sa Balikatan drill.

Hindi lang makikita ang “change” na ito sa relasyong Pilipinas at Estados Unidos – na mula sa taglamig o winter ni Rodrigo Duterte ay tumatamasa ngayon ng tagsibol o spring sa ilalim ni Ferdinand Marcos Jr.

Makahulugan ang mga development na ito sa pakikipag-usap ni Pangulong Marcos kay US President Joe Biden sa kaniyang pagbisita sa Amerika. 

Pero bukas ang mata natin – sa kabila ng madalas na paggamit ng gobyerno ni Marcos ng salitang transparency – na malayo sa busilak ang rekord nito sa usaping ito. 

Sana lang ang transparency ay hindi nangangahulugang “good weather bulletin” lamang. 

Umaasa kami na simula rin ito ng makabuluhang access sa pamahalaan ni Ginoong Marcos. 

Mahalaga rin na mailagay sa tamang konteksto ang balancing act na ginagawa ni Marcos. 

Dapat maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi magiging papel ng Pilipinas ang paglunsad ng proxy war para sa US laban sa Tsina – sa kabila ng pag-e-expand niya ng EDCA. 

Dahil national security ang nakasalang – at higit kailan, kailangan alam ng taumbayan ang pinapasok nating peligro sa pagitan ng dalawang nag-uumpugang bato. – Rappler.com

BASAHIN: [EDITORIAL] Sa gitna ng nag-uumpugang US at Tsina, mahalaga ang transparency

]]>
https://www.rappler.com/voices/editorials/video-transparency-crucial-ferdinand-marcos-jr-navigating-us-china-conflict/feed/ 0 [VIDEO EDITORIAL] Sa gitna ng nag-uumpugang US at Tsina, mahalaga ang transparency Dapat maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi magiging papel ng Pilipinas ang paglunsad ng proxy war para sa US laban sa Tsina – sa kabila ng pag-e-expand niya ng EDCA.  Ferdinand Marcos Jr.,US-China relations https://www.rappler.com/tachyon/2023/05/animated-philippine-coast-guard-us-china-relations-carousel-2.jpg
EDITORIAL – THE ERWAN HEUSSAFF EFFECT https://baguiochronicle.rappler.com/250/editorial-the-erwan-heussaff-effect/ https://baguiochronicle.rappler.com/250/editorial-the-erwan-heussaff-effect/#respond Tue, 25 Apr 2023 10:24:16 +0800 UNLESS you were staying in a cave, you wouldn’t have heard of Erwan Heussaff and what he ate at Luisa’s Cafe.

Three weeks ago, Erwan Heussaff, whom most knew as the husband of Anne Curtis, launched his video of Baguio cuisine on his YouTube channel.

The 22-minute introductory video which was vaguely titled “The Best of Baguio Food with Erwan Heussaff” was launched on YouTube on March 27 and has since gained 550,000 views and 10,000 likes.

Unlike most food vlogs about Baguio, Heussaff and his staff decided to go where tourists rarely went, except for Good Taste Restaurant, which he described as a food factory.

The others he went to were The Farmer’s Daughter Restaurant, Mang Ed’s Bakareta, Ili-Likha, Katipunan Restaurant, and, of course, Luisa’s Cafe.

Heusaff is also a chef, something only his YouTube subscribers know. And that, by the way, is not a minority. He has 3.5 million subscribers.

Now what if these subscribers follow what he preached?

Well, there’s nothing more to be done for Good Taste, which already has a wide and voracious following even without Erwan. On weekends, the queue would almost go around the block with the inside space already filled with a multitude.

What about the other restos he went to?

Luisa’s Cafe, before the millennium, was among the many Chinese restaurants along Session Road. There was Dainty Cafe, Session Cafe, Manila Cafe, Mandarin Restaurant, Tea House, 456 Restaurant and Sunshine Lunch.

One by one, the other Chinese restaurants closed because of gentrification.

Now there are only Luisa’s Cafe, 456 Restaurant and Tea House.

Tea House is known mostly as a take-out area because of the limited eating space. Come during the holidays and witness the queue for pancit palabok and how it rivals the weekend queue at Good Taste.

456, once the busiest restaurant after midnight, has retrofitted its Chinese cuisine, going Hainanese.

Luisa’s Cafe, as described by Heussaff and Marlon Wong, the son of the owner, has become the favorite hangout of writers and journalists of the city.

They come here because of coffee, beer, and the patience of Chongloy, the owner.

But when Heussaff marveled about the siopao and the special mami, that’s when the phenomenon began.

Before the YouTube special came out, only thirty servings of special mami were being ordered daily. During the Holy Week, the order for special mami reached 100 to 180.

Now before you say this is still few, remember that special mami is their huge order, enough to feed two to three. It sells for P280 each. Many of the tourists who came just to get the Heussaff experience thought it was meant to serve only one person.

Because of the Heussaff effect, Luisa’s Cafe’s usual servings of mami have markedly increased.

As for siopao, they used to serve 300 siopaos daily on a good day. Now after March 27 and the Heussaff magic, 700 or more siopaos are served daily.

Not all celebrity vloggers have that effect. The only one we can think of is Kris Aquino, when she was healthy.

Heussaff, of course, is a chef and knows what he talks about.

When he said that the noodles of Luisa’s were hand-pulled, meaning the traditional Chinese way, people were intrigued.

Of course, Baguio residents saw nothing extraordinary about that. But now they know.

The Erwan Heussaff Effect is not just a celebrity vlogger appearing at your place and eating what you serve.

It is also looking at a familiar place with new eyes. Now, Baguio residents have come to realize that the second floor is where the interesting people gather.

Now, Baguio residents know that artists have also turned the second floor into an art gallery. Now they know that they can interact with the noisy writers up and below.

Now they are rediscovering their own art hub. The tourists come and go but the writers and artists are here to stay.

Editorial
Baguio Chronicle
April 22, 2023

Here is the link to the video by FEATRhttps://m.youtube.com/watch…

]]>
https://baguiochronicle.rappler.com/250/editorial-the-erwan-heussaff-effect/feed/ 0 https://baguiochronicle.rappler.com/tachyon/sites/15/2023/04/editorial-erwan.jpg
[VIDEO EDITORIAL] Mindoro oil spill: Black oil, black ocean, black conscience? https://www.rappler.com/voices/editorials/video-oil-spill-oriental-mindoro-black-conscience/ https://www.rappler.com/voices/editorials/video-oil-spill-oriental-mindoro-black-conscience/#respond Mon, 03 Apr 2023 17:45:54 +0800 Nitong March 13, ibinalita ng Rappler na isang subsidiary ng San Miguel Shipping and Lighterage Corporation ang nag-charter ng MT Princess Empress na lumubog sa Oriental Mindoro at lumikha ng oil spill doon na ngayo’y banta sa apat na probinsiya.

Nag-deny na nga ang sister company ng San Miguel Shipping na Petron na cargo nito ang “black oil” – pero hindi pa rin sinasagot ng charterer na SL Harbor na pag-aari rin ni Ramon S. Ang kung ito nga ang nag-charter ng tanker.

Bakit mahalagang maging accountable ang nag-charter?

Ito’y dahil ang tanker, na diumano ni-refit nang dalawang beses at hindi talaga ginawa para maging tanker, ay banta sa karagatan sa isa sa pinaka-biodiverse na lugar hindi lang sa Pilipinas, kundi pati sa buong mundo.

Sana’y ipakita ng kumpanya ni RSA ang matagal na nitong ipinagmamalaki: ang corporate social responsibility.

Hindi man ito ang may-ari ng kompanya ng tanker, ito naman malamang ang may-ari ng langis na ngayo’y lumalason ng karagatan.

Ang lalong masakit, malaking bahagi ng epekto ay naipapasa sa lokal – lokal na LGU ang magpapasan ng bigat ng social costs, at higit sa lahat, mga komunidad ang magpapasan ng hagupit sa kabuhayan at kalusugan. 

Hitik sa salitang itim ang malungkot na yugto na ito sa kasaysayan: black oil, na nagpaitim ng karagatan, at walang pakialam ang malaking kompanya na sa bandang huli ay mukhang maitim pala ang budhi. – Rappler.com

BASAHIN: [EDITORIAL] Mindoro oil spill: Black oil, black ocean, black conscience?

]]>
https://www.rappler.com/voices/editorials/video-oil-spill-oriental-mindoro-black-conscience/feed/ 0 [VIDEO EDITORIAL] Mindoro oil spill: Black oil, black ocean, black conscience? Hitik sa salitang itim ang malungkot na yugto na ito sa kasaysayan Oriental Mindoro,Oriental Mindoro oil spill https://www.rappler.com/tachyon/2023/04/animated-mindoro-oil-spill-responsibility-16x9-title.jpg
[VIDEO EDITORIAL] Totoo ba, soldiers never die, they just become mercenaries? https://www.rappler.com/voices/editorials/video-soldiers-never-die-they-just-become-mercenaries/ https://www.rappler.com/voices/editorials/video-soldiers-never-die-they-just-become-mercenaries/#respond Sun, 19 Mar 2023 22:32:07 +0800 Ano ang big picture sa pagpaslang kay Roel Degamo? 

UNA. May kultura talaga ng patayan lalo na sa lokal na politika, at sa gitna nito ay ang hindi naman nalansag na private armies.

Sa termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., may pito nang asasinasyon na naganap. Pampito na si Governor Degamo.

PANGALAWA. Epekto ito ng pagkalusaw ng disiplina sa pulis at militar nitong nakalipas na mga dekada. 

Ang mga unipormadong puwersa ay naging mistulang armadong lakas ng mga makapangyarihang pulitiko.

PANGATLO. Direktang epekto ito ng practice ng AFP at PNP na pagpapahiram ng active-duty na sundalo at pulis sa pulitiko upang maging mga bodyguard. 

Bakit kailangan ng mga politician na ito ng security detail mula sa sandatahang lakas na pinasusuweldo ng taumbayan? 

Sa bandang huli, ang umano’y “bad apples” ay repleksiyon ng pinanggalingan nila: kung saan talamak ang kultura ng impunity, kuwestiyonable ang respeto sa kahalagahan ng buhay, at kung saan mahina na ang kapit ng propesyonalismo.

PANG-APAT. Dumako naman tayo sa mga padrinong nagpayabong sa sistema ng soldiers-for-hire: ito ang dynasties na gagawin ang lahat makapang-agaw lang ng kapangyarihan. 

Ang pamahalaan ang nagpanatili ng kultura ng patayan at impunity. 

Sa Pilipinas ba, some soldiers never die, they just become mercenaries? – Rappler.com

BASAHIN: [EDITORIAL] Totoo ba, soldiers never die, they just become mercenaries?

]]>
https://www.rappler.com/voices/editorials/video-soldiers-never-die-they-just-become-mercenaries/feed/ 0 [VIDEO EDITORIAL] Totoo ba, soldiers never die, they just become mercenaries? Bakit kailangan ng mga politician ng security detail mula sa sandatahang lakas na pinasusuweldo ng taumbayan? crimes in the Philippines,Negros killings,Roel Degamo https://www.rappler.com/tachyon/2023/03/animated-ex-soldiers-involved-in-political-killings-2.jpg
[VIDEO EDITORIAL] ‘Puting unggoy’? ‘Wag kumagat sa gaslighting laban sa ICC at EU https://www.rappler.com/voices/editorials/video-white-monkeys-gaslighting-versus-icc-eu/ https://www.rappler.com/voices/editorials/video-white-monkeys-gaslighting-versus-icc-eu/#respond Fri, 03 Mar 2023 14:11:04 +0800 Nang bumisita ang mga miyembro ng European Union parliamentarians sa bansa, sabi ng isang mambabatas ng House of Representatives, “They should not use the Philippines’ trade agreement as a card when it comes to human rights investigations.”

Masama ba na bago makipagkamay sa ‘yo, hihilingin ng kausap mo sa negosyo na maghilamos ka ng maruming mukha at maghugas ng madugong kamay?

Tandaan natin, kahit na magkaibang entity, magkakabit ang bituka ng EU Parliament at International Criminal Court dahil lahat ng mga miyembro ng EU ay bahagi rin ng ICC.

Kaya’t nang tinawag ni Senador Jinggoy Estrada na “white monkeys” ang mga taga-ICC, para na rin niyang tinawag ang mga member-nations, kasama ang EU, na mga puting unggoy.

At siya nga pala, kahit na umalis na sa ICC ang Pilipinas, puwede pa rin nitong imbestigahan ang bansa ayon mismo sa nilagdaang kasunduan nang sumali ito.

Mahalaga ang pagbisita ng EU parliamentarians sa Pilipinas dahil senyales ito na may pagsisimulan na ng pag-uusap tungkol sa human rights sa ilalim ni Presidente Ferdinand Marcos Jr., hindi tulad noong panahon ni Duterte na walang puwang sa dayalogo. 

Dapat tuparin ni Pangulong Marcos ang kuda ng kanyang gobyerno. Dahil kung hindi, ang ekonomiya ang magdurusa. 

At sigurado nating alam naman ni Marcos Jr. na marami nang mga presidente, gaano man ka-popular, ang itinatakwil ng taumbayan kapag sumasablay ang ekonomiya. – Rappler.com

BASAHIN: [EDITORIAL] ‘Puting unggoy’? ‘Wag kumagat sa gaslighting laban sa ICC at EU

]]>
https://www.rappler.com/voices/editorials/video-white-monkeys-gaslighting-versus-icc-eu/feed/ 0 [VIDEO EDITORIAL] 'Puting unggoy'? 'Wag kumagat sa gaslighting laban sa ICC at EU Mahalaga ang pagbisita ng EU parliamentarians sa Pilipinas dahil senyales ito na may pagsisimulan na ng pag-uusap tungkol sa human rights sa ilalim ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. Dapat tuparin ni Marcos ang kuda ng kanyang gobyerno. European Union,human rights in the Philippines,International Criminal Court https://www.rappler.com/tachyon/2023/03/animated-GSP-with-EU-Parliament-ICC-carousel-2.jpg
[VIDEO EDITORIAL] EDSA or no EDSA, padayon https://www.rappler.com/voices/editorials/video-people-power-edsa-or-no-edsa-padayon/ https://www.rappler.com/voices/editorials/video-people-power-edsa-or-no-edsa-padayon/#respond Fri, 24 Feb 2023 19:04:40 +0800 Nagkaroon ng bagong kahulugan ang 1986 February Revolution noong na-upo na si Rodrigo Duterte bilang presidente. 

Nakita natin kung paano binaligtad, sinalaula, at binalewala ang mga panalo ng People Power. 

Ganito rin ang selebrasyon ng EDSA People Power ngayong Pebrero 2023, 37 taon matapos ang makasaysayang tagpo – pero may dagdag na tadyak: ito ang unang selebrasyon ng EDSA sa ilalim ng anak ng diktador na pinalayas ng pag-aaklas.

Nakabalik na sa Malacañang ang mga Marcos, pati na rin ang lifestyle at estilo nila sa pulitika. 

Two steps forward, one step back, ba ito? Parang mas akmang sabihin na one step forward, two steps back.

Sabi ng sociologist na si Jayeel Cornelio hindi ang “main characters” sa textbooks tulad ni Ramos o Cardinal Sin ang nakaukit sa alaala niya, kundi ang mga karaniwang tao. 

Ang People Power ay kuwento ng mga pare, madre, mga estudyante, at mga manggagawa na unang tumugon sa panawagan ng EDSA.

Ano ang susunod na hakbang? We pick ourselves up, dust ourselves off, and rebuild the nation. 

Marcos or no Marcos, EDSA or no EDSA. Padayon. — Rappler.com

BASAHIN: [EDITORIAL] EDSA or no EDSA, padayon

]]>
https://www.rappler.com/voices/editorials/video-people-power-edsa-or-no-edsa-padayon/feed/ 0 [VIDEO EDITORIAL] EDSA or no EDSA, padayon Nakabalik na sa Malacañang ang mga Marcos, pati na rin ang lifestyle at estilo nila sa pulitika. Ano ang susunod na hakbang? EDSA People Power Revolution,Ferdinand E. Marcos,Ferdinand Marcos Jr.,Marcos family https://www.rappler.com/tachyon/2023/02/animated-EDSA-panatang-makabayan-1.jpg
[VIDEO EDITORIAL] Sa mga nagtutulak ng mandatory ROTC: Leave them kids alone! https://www.rappler.com/voices/editorials/video-advocates-mandatory-rotc-leave-them-kids-alone/ https://www.rappler.com/voices/editorials/video-advocates-mandatory-rotc-leave-them-kids-alone/#respond Fri, 17 Feb 2023 17:18:44 +0800 “Nakakagaling ng mental health issues” ang ROTC. 

Maraming napamura sa henerasyon naming dumanas ng sapilitang pagsasanay sa Reserve Officers’ Training Corps nang marinig ang pahayag ni Defense Secretary Carlito Galvez. 

Obvious ba? Walang alam ang kalihim sa mental health.

Ano ang magpapagaling sa “mental health” ng kabataan, Secretary Galvez? 

Ito ba ang borderline sadistic methods ng Philippine Military Academy at Philippine National Police Academy na may mahabang listahan ng hazing victims at psychological harms? 

Higit kailanman ngayong age of disinformation, kailangan nilang matutong maging mapanuri at mag-analisa – hindi maging mindless robot na “mataas ang frustration tolerance.”

At lahat ng ito, sa umaatikabong halagang P61.2 billion? Baka naman may gusto lang kumita, mga ginoo?

Higit kailanman, sa panahong talamak ang korupsiyon, anong values ang ituturo ng ROTC? Ang maging bulag, pipi, at bingi?

Sinuma ng tweet ng isang student leader matapos ang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang argumento laban sa ROTC: Ayaw natin ng isang “culture of impunity, violence, and blind obedience” sa kabataan.

Isa lang ang masasabi namin sa mga naglalako ng mandatory ROTC: Leave them kids alone! – Rappler.com

BASAHIN: [EDITORIAL] Sa mga nagtutulak ng mandatory ROTC: Leave them kids alone!

]]>
https://www.rappler.com/voices/editorials/video-advocates-mandatory-rotc-leave-them-kids-alone/feed/ 0 [VIDEO EDITORIAL] Sa mga nagtutulak ng mandatory ROTC: Leave them kids alone! Sa panahong talamak ang korupsiyon, anong values ang ituturo ng ROTC? Ang maging bulag, pipi, at bingi? Bato dela Rosa,Department of National Defense,education in the Philippines,Marcos Jr. administration,ROTC Philippines,Sara Duterte https://www.rappler.com/tachyon/2023/02/animated-mandatory-rotc-2023-2.jpg
[VIDEO EDITORIAL] Huli na dapat si Jullebee na uuwi sa kabaong mula Kuwait https://www.rappler.com/voices/editorials/video-jullebee-ranara-should-be-last-to-come-home-in-coffin-from-kuwait/ https://www.rappler.com/voices/editorials/video-jullebee-ranara-should-be-last-to-come-home-in-coffin-from-kuwait/#respond Sat, 11 Feb 2023 09:00:00 +0800 Ayon sa pagbabalita ng media sa Kuwait, natagpuan ang sinunog na labi ng Filipino overseas worker na si Jullebee Ranara sa desyerto.

Isa lamang si Ranara sa listahan ng mga biktima ng karumal-dumal na krimen sa Kuwait: nandiyan si Joanna Daniela Demafelis na natagpuan ang katawan sa freezer; at si Ma. Constancia Lago Dayag at si Jeanelyn Villavende na parehong biktima ng sexual assault.

Noong 2017, nakapagtala ang Philippine embassy ng 6,000 na kaso ng pang-aabuso, sexual harassment, at rape ng mga OFW sa Kuwait.

Sabi ng isang pag-aaral ng International Labor Organization sa sitwasyon ng mga kasambahay na nagtatrabaho sa ibang bansa, “Domestic work continues to remain an invisible occupation.”

“Invisible” dahil wala silang boses o karapatang baguhin ang kalagayan nila sa trabaho.

Walang proteksyon ang mga domestic workers sa labor code ng anim sa walong bansa sa Middle East. Talamak pa rin ang passport confiscation sa maraming lugar doon.

Pero titigil ba ang mga pang-aabusong ito?

Malamang ay hindi, dahil patuloy na makikipagsapalaran ang mga Pilipino sa ibang bansa upang makatakas sa intergenerational poverty dito.

Patuloy na padudulasin ng gobyerno ang pag-e-export ng labor dahil kailangan nito ng remittances para sa foreign currency reserve, at upang maibsan ang unemployment.

Sabi ng PINAY Careworkers Transnational o PINAY, hindi deployment ban ang sagot sa problema. Libo-libong mga OFW ang magdurusa dahil mawawalan sila ng huling baraha upang kumita.

Sa halip, nananawagan ang PINAY at kinatawan ng mga OFW sa Kongreso na si Marissa Magsino, ng pagpapalakas ng bilateral agreement sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait upang mapangalagaan ang mga OFW, lalo na ang mga FMDW doon.

Masalimuot na problema ang labor migrants abuse na nakaugat sa kahirapan at unemployment sa Pilipinas, at bukas ang mata natin na walang dagliang solusyon.

Sa ganitong mga pagkakataon, gamitin ng pamahalaan ang matatamis na dila ng mga diplomat upang makapaglinang ng bilateral na kasunduang tatapos sa pambubusabos ng mga OFW.

Ilang OFW pa ba ang uuwi sa kabaong? 

Ilang domestic worker pa ba ang uuwing tulala sa trauma ng pang-aabuso?

Wakasan na ‘yan. — Rappler.com

BASAHIN: [EDITORIAL] Huli na dapat si Jullebee na uuwi sa kabaong mula Kuwait

]]>
https://www.rappler.com/voices/editorials/video-jullebee-ranara-should-be-last-to-come-home-in-coffin-from-kuwait/feed/ 0 [VIDEO EDITORIAL] Huli na dapat si Jullebee na uuwi sa kabaong mula Kuwait Sa ganitong mga pagkakataon, gamitin ng pamahalaan ang matatamis na dila ng mga diplomat upang makapaglinang ng bilateral na kasunduang tatapos sa pambubusabos ng mga OFW. Department of Migrant Workers,Kuwait,Marcos Jr. administration,media,migrant workers,OFW remittances,poverty,sexual assault,sexual harassment,unemployment https://www.rappler.com/tachyon/2023/02/animated-ofw-Jullebee-Ranara-2-1.jpg
[VIDEO EDITORIAL] Duterte, Bato: Kung wala kayong kasalanan, walang dapat ikatakot https://www.rappler.com/voices/editorials/video-rodrigo-duterte-bato-dela-rosa-nothing-to-fear-if-innocent/ https://www.rappler.com/voices/editorials/video-rodrigo-duterte-bato-dela-rosa-nothing-to-fear-if-innocent/#respond Fri, 03 Feb 2023 12:50:48 +0800 Nitong Enero 27, umakyat na sa warrants stage ang proseso sa International Criminal Court o ICC. 

Itutuloy na ang imbestigasyon sa mga pagpatay noong kasagsagan ng war on drugs, pati sa mga pagpatay sa Davao City noong mayor pa roon si Duterte.

True to form, umapir muli si Digong at nagpuputak laban sa mga paborito niyang pitikin – ang mga oligarchs at pangunahing negosyante ng bansa. Pero napansin mo bang hindi naman nangatog ang mga oligarch sa bago mong patutsada? Mr. Duterte, nagbago na ang ihip ng hangin.

Ang balik ng kanyang dating spokesman na si Harry Roque, “He won’t let foreigners judge him.” 

Si Justice Secretary Boying Remulla naman: “The issue is sovereignty.” 

Pero hindi ba’t sinuspinde nga ng ICC ang proseso nito para bigyan ng pagkakataong maaksiyunan ng kasalukuyang administrasyon ang mala-Holocaust na krimen laban sa sangkatauhan na naganap sa Davao pa lang hanggang 2020?

Ayon sa ICC, hindi nito intensiyong palitan ang criminal justice system ng isang bansa, at pumapasok lamang ito sa eksena sa pagkakataong “unwilling or unable to do so genuinely” ang gobyerno.

Kontento ba kayo sa mga hakbang na ginawa ng gobyerno ng Pilipinas upang mabigyang hustisya ang tinantiyang nasa 27,000 na biktima ng EJK? Galing sa independiyenteng Commission on Human Rights o CHR ang bilang na ito.

Mapunta naman tayo kay Senador Bato dela Rosa, ang unang nagpatupad ng tokhang, at ang hepe ng pulisya ng Davao nang namayagpag ang Davao Death Squad doon. 

Sabi nya: “Fear of the unknown…. But now I have no more fear.” Pero bakit tila dama namin ang kaba mo, Senador? 

Ayon sa testimonya ng dating pulis at hitman na si Arturo Lascañas, hindi lang ikaw ang “enabler” ng Davao Death Squad – pati si Senador Bong Go, na right hand man ni Mayor Digong noon.

Para sa mga biktima ng extrajudicial killings, tila habambuhay ang paghihintay sa pag-usad ng hustisya. Ayon sa asawa ng isang biktima ng EJK: “Kung hindi siya naging presidente, hindi siya nagsalita sa harap ng publiko na papatayin ko kayong lahat…. Sana hindi namatay ang asawa ko.”

Pero sabi nga ni Martin Luther King, “The arc of the moral universe is long, but it bends toward justice.” Gaano man kabagal at masalimuot, kumikiling daw ang “moral universe” sa hustisya.

Ang ICC ay isang pandaigdigang entablado. Pero hindi foreign pressure ang tanging susi sa panunumbalik ng tunay na hustisya sa Pilipinas. Dapat itong i-sustain ng taumbayan sa isang malawakang kilusan para sa katarungan. 

Ngayon, ibabalik namin kay Digong at Bato ang paborito nilang linya: Kung wala kayong kasalanan, walang dapat ikatakot. – Rappler.com

BASAHIN: [EDITORIAL] Duterte, Bato: Kung wala kayong kasalanan, walang dapat ikatakot

]]>
https://www.rappler.com/voices/editorials/video-rodrigo-duterte-bato-dela-rosa-nothing-to-fear-if-innocent/feed/ 0 [VIDEO EDITORIAL] Duterte, Bato: Kung wala kayong kasalanan, walang dapat ikatakot Papalapit na ba ang karma ni dating pangulong Rodrigo Duterte? Bato dela Rosa,International Criminal Court,Rodrigo Duterte,war on drugs https://www.rappler.com/tachyon/2023/02/animated-Duterte-ICC-Jan-2023.jpg