Editorials https://www.rappler.com RAPPLER | Philippine & World News | Investigative Journalism | Data | Civic Engagement | Public Interest Sat, 17 Jun 2023 08:29:44 +0800 en-US hourly 1 https://www.altis-dxp.com/?v=5.9.5 https://www.rappler.com/tachyon/2022/11/cropped-Piano-Small.png?fit=32%2C32 Editorials https://www.rappler.com 32 32 [EDITORIAL] Reality check: May kalayaan ba sa panahon ni Marcos Jr.? https://www.rappler.com/voices/editorials/freedom-reality-check-independence-day-2023-ferdinand-marcos-jr-presidency/ https://www.rappler.com/voices/editorials/freedom-reality-check-independence-day-2023-ferdinand-marcos-jr-presidency/#respond Mon, 12 Jun 2023 13:03:57 +0800 Malaya naman ang mga Pilipino, kaya bakit natin aaksayahin ang walang-pasok na Lunes sa tanong na ito? I-test natin ‘yan.

Palatandaan ng isang malayang demokrasya ang kalayaang bumatikos. Pero bakit may mga political prisoner pa rin katulad ng dating justice secretary na si Leila de Lima at ang mamamahayag na si Frenchie Mae Cumpio?

Mahigit anim na taon na sa kulungan si De Lima, at kamakailan ay nabigo ang pakay niyang makamit ang pansamantalang kalayaan nang ibinasura ang petition niya for bail. Ito’y sa kabila ng pagbawi o pag-recant ng mga susing witness laban sa kanya tulad ng dating acting chief ng Bureau of Corrections na si Rafael Ragos at ang umano’y drug lord na si Kerwin Espinosa. 

Sa katunayan, na-acquit na naman si Espinosa sa ikalawang kaso ng drug trafficking charges dahil salat sa ebidensiya. Bakit mailap ang hustisya kay De Lima?

Si Cumpio naman, na tatlong taon na sa kulungan ay humaharap sa terrorism charges na tinaguriang “trumped up” ng kanyang organisasyong Altermidya Network.

May kalayaan ba ang bayang pinaghaharian ng impunity at weaponization ng batas?

Pero maari mo namang sabihin na marami nang nagbago, tulad na lang ng extrajudicial killngs. Wala nang tokhang, di ba? (Ang tokhang ay isang state-sponsored anti-drug trafficking campaign ni Rodrigo Duterte na bumiktima sa mahihirap at umano’y “latak” ng lipunan.)

Mali. Patuloy na nangangamba ang mga pamilyang paboritong target ng drug war ni dating presidente Duterte. Ayon kay Carmen (hindi niya tunay na pangalan), ina ng sinalvage na 21-taong-gulang na si Rolly, akala niya, tapos na ang patayan. Mali ang akala niya.

Habang hindi naman natin puwedeng sabihin na hindi tayo malaya – lalo na ngayon na tapos na ang termino ni Duterte at tila mahaba ang pisi ni Marcos Jr. – hindi rin masasabing lubos tayong malaya.

Ayon sa “Freedom in the World 2023” report ng Freedom House, nag-improve ang kalayaan sa bansa.

Sa report, binigyan ang Pilipinas ng overall global freedom score na 55/100, at binigyan ang bansa ng rating na “partly free.” Nakakuha rin ang Pilipinas ng 25/40 na marka sa political rights at 30/60 para sa civil liberties. 

Pasang-awa, puro borderline. Bahala ka na lang kung malasin ka at mailagay sa cross-hairs ng kinauukulan. At kailan pa naging katanggap-tanggap ang borderline?

Iwan natin ang datos at tanungin ang sarili: panatag ba ang iyong loob kung ang anak o kapatid mo’y sasama sa rally? Hindi, di ba, dahil mabagsik ang anti-terror law.

Panatag ba ang loob mo kung ang anak o kapatid ay gagala sa lansangan ng isang maralitang pook? Aba’y hindi rin – dahil kung hindi man siya matokhang, andiyan ang takot mo na makukursunadahan siya ng mga dumidelihensiyang pulis patola.

Ngayong Independence Day, binalikan namin ang interview ng reporter na si Lian Buan sa sociology professor sa University of the Philippines na si Josephine Dionisio. Ang pamagat ng kanilang podcast ay “Love of Country: Is dissent patriotic?

Sabi ni Dionisio, ang pagmamahal sa bayan ay hind lamang pagbili ng barong tagalog, pagtayo ‘pag tumutugtog ang Lupang Hinirang, at pagmemorya ng Panatang Makabayan.

Sabi niya, ang love of country ay nangangailangan ng isang “shared imagination” ng isang mas mabuting kinabukasan, na bunga ng dayalogo at debate.

Tulad din ‘yan ng sinasabi ng Nobel Peace Prize laureate at Rappler CEO na si Maria Ressa, na kailangan natin ng “shared facts” upang matahak ang “shared truths” upang mapagsikapan ang “shared values.”

Sabi ni Dionisio, sa kasaysayan, ang nasyonalismo ay kakabit ng “acts of defiance” tulad ng pagbatikos at paghingi ng pagbabago. Dagdag pa niya, “Every day that you encounter injustice, call it out.” Pangalanan daw ang kawalan ng hustisya tuwing nakikita at nadarama natin ito.

Ang hirap nga mahalin ng bayan, pero hindi ‘yan excuse para huwag mahalin ang bayan.

Nang tinanong si Dionisio saan huhugutin ng mga Pilipino ang “love of country,” sabi niya, “Hugutin ito sa pagmamahal sa sarili.” Ayon daw sa UP sociology professor na si Randy David, “self-esteem is to national pride.” 

Ipa-paraphrase namin ang sinabi niya: “Hanapin at tanggapin ang mga bagay na gusto mong mahalin at tanggapin sa ating sarili, at mula doon ay humanap ng inspirasyon na mahalin ang mga nameless, faceless na kababayan.”

Meron daw forever, at pagmamahal sa bayan ay puwedeng panghabambuhay. – Rappler.com

]]>
https://www.rappler.com/voices/editorials/freedom-reality-check-independence-day-2023-ferdinand-marcos-jr-presidency/feed/ 0 animated-6-12-gif https://www.rappler.com/tachyon/2023/06/animated-6-12-carousel.png
[VIDEO EDITORIAL] Sanlibo’t isang laslas mula sa ‘Eat Bulaga’ at Tito, Vic, and Joey https://www.rappler.com/voices/editorials/video-thousand-and-one-cuts-eat-bulaga-tito-vic-joey/ https://www.rappler.com/voices/editorials/video-thousand-and-one-cuts-eat-bulaga-tito-vic-joey/#respond Sat, 10 Jun 2023 18:27:48 +0800 Sanlibo’t isang tuwa. 

‘Yan daw ang ligayang dulot ng Eat Bulaga sa loob ng higit sa 43 taon sa ilalim ng mga TV station na RPN9 at GMA7. 

Mabuti pang tawagin na rin nating sanlibo’t isang LASLAS.

Sanlibo’t isang laslas sa psyche ng kabataang manonood ang mga gumigiling na babaeng kakarampot ang saplot habang lalo pang sinesemento ang loyalty ng viewers gamit ang giveaways at papremyo.

43 taon din itong toilet humor, panlalait sa may kapansanan, sa bakla, sa pangit, at sa kababaihan, to name a few.

Dahil household name at walang sintaas ang ratings, hindi matatawaran ang ambag sa dumbing down ng mga Pilipino at pagsayad ng standards natin bilang isang bansa sa kung ano ang “entertainment.”

Panahon nang pag-usapan ang pamana na misogyny, sexism, toilet humor, at pambobobo ng pinakasikat na trio sa Philippine entertainment. Panahon na ring pag-usapan kung papaano hinuhubog ng telebisyon, at ngayon ng internet, ang values natin bilang isang bayan.

Ngayong aampunin na ng TV5 sina TVJ, ito ang pagkakataon ng mga manonood na sabihing, “We deserve better.” – Rappler.com

]]>
https://www.rappler.com/voices/editorials/video-thousand-and-one-cuts-eat-bulaga-tito-vic-joey/feed/ 0 [VIDEO EDITORIAL] Sanlibo't isang laslas mula sa 'Eat Bulaga' at Tito, Vic, and Joey Panahon nang pag-usapan ang pamana na misogyny, sexism, toilet humor, at pambobobo ng pinakasikat na trio sa Philippine entertainment Joey de Leon,media industry,Pepsi Paloma,Philippine media,sexism,television,Tito Sotto,TV5,Vic Sotto https://www.rappler.com/tachyon/2023/06/video-editorial-tvj.jpg
[EDITORIAL] Sanlibo’t isang laslas mula sa ‘Eat Bulaga’ at Tito, Vic, and Joey https://www.rappler.com/voices/editorials/thousand-and-one-cuts-eat-bulaga-tito-vic-joey/ https://www.rappler.com/voices/editorials/thousand-and-one-cuts-eat-bulaga-tito-vic-joey/#respond Mon, 05 Jun 2023 13:26:14 +0800 Sanlibo’t isang tuwa. 

‘Yan daw ang ligayang dulot ng Eat Bulaga sa loob ng higit sa 43 taon (mula June 1979) sa ilalim ng mga TV station na RPN9 at GMA7. 

Mabuti pang tawagin na rin nating sanlibo’t isang LASLAS.

Ayon sa peministang kolumnista ng Rappler na si Ana Santos, kung si Donald Trump daw ang global symbol ng white/upper class privilege at sexism, ang trio nina Tito, Vic, and Joey naman daw ang Philippine equivalent ni Trump.

43 taon din itong toilet humor, panlalait sa may kapansanan, sa bakla, sa pangit, at sa kababaihan (to name a few).

Sanlibo’t isang laslas sa psyche ng kabataang manonood ang mga gumigiling na babaeng kakarampot ang saplot habang lalo pang sinesemento ang loyalty ng viewers gamit ang giveaways at papremyo. (To be fair, ginagawa ito ng lahat ng noontime at game shows, pero ang nagpasimuno ng template ay Eat Bulaga.) 

Dahil household name at walang sintaas ang ratings – hindi matatawaran ang ambag sa dumbing down ng mga Pilipino at pagsayad ng standards natin bilang isang bansa sa kung ano ang “entertainment.”

Indikasyon ng matinding impluwensiya nina Tito, Vic, and Joey o TVJ ang pagkapanalo sa Senado ni Tito Sotto kung saan na-legitimize ang konserbatibong pananaw niya sa reproductive health (RH). Hinarang niya ang budget para sa implants at minalisya ang social welfare secretary noon na si Judy Taguiwalo na itinutulak daw ng kalihim ang RH dahil “na-ano ka lang” – pasaring sa kanyang pagiging isang single mother.

Andiyan din ang kaso ni Pepsi Paloma noong 1982, ang “softdrink beauty” na umakusa kina Vic Sotto, Joey de Leon, at ang Bulaga co-host na si Richie D’Horsie Reyes ng panggagahasa. Inakusahan din si Tito Sotto na nanutok daw ng baril upang paatrasin si Paloma sa mga akusasyon (napapirma ni Sotto si Paloma sa isang affidavit of desistance na hindi raw ito totoo).

Hindi man inamin ng TVJ ang akusasyon ng panggagahasa (na noong panahon na ‘yun ay kamatayan ang hatol), umapir sila sa national TV na nakaluhod at humihingi ng paumanhin. Indikasyon ng tindi ng pagkawasak ng buhay ni Paloma ang pagpapatiwakal niya noong 1985.

Sa kabila ng mga uso at nawala sa uso, sa maraming parada ng co-hosts/girlfriends, at sa kabila ng matinding kontrobersiya tulad ng Paloma isyu, hindi pa rin natinag ang paghahari ng Eat Bulaga sa telebisyon.

Hindi sumasayad na ratings at nahihimasmasang publiko ang dahilan ng pag-alis ni Tito, Vic, and Joey sa Eat Bulaga. Ito’y internal na bangayan ng grupo ng convicted rapist na si Romeo Jalosjos na may-ari ng TAPE productions at ng grupo ni Tony Tuviera na binitbit sina TVJ at iba pang co-host sa isang grand exodus.

Ayon sa source ng Rappler, ang tatlong TV host na kumikita raw bawat isa ng nasa P9 milyon kada buwan ay malamang pumunta sa TV5, kung saan matutungkab sa time slot ang isa pang sikat (pero tila hindi kasing sikat) na noontime show, ang Showtime, na ililipat daw sa late afternoon time slot. Tsk, tsk, ganyan talaga ang buhay ng telebisyon, dog-eat-dog.

Panahon nang pag-usapan ang pamana na misogyny, sexism, toilet humor, at pambobobo ng pinakasikat na trio sa Philippine entertainment. Panahon na ring pag-usapan kung papaano hinuhubog ng telebisyon, at ngayon ng internet, ang values natin bilang isang bayan.

Kung totoong aampunin ng TV5 sina TVJ, ito ang pagkakataon ng mga manonood na sabihing, “We deserve better.” – Rappler.com

]]>
https://www.rappler.com/voices/editorials/thousand-and-one-cuts-eat-bulaga-tito-vic-joey/feed/ 0 animated-Tape-ousts-TVJ-Eat-Bulaga https://www.rappler.com/tachyon/2023/06/animated-Tape-ousts-TVJ-Eat-Bulaga-carousel.jpg
[EDITORIAL] Tuloy lang sa pagtatanggol ng kababayang OFW, kahit inilalaglag ka ng Presidente mo https://www.rappler.com/voices/editorials/continue-defending-ofws-despite-ferdinand-marcos-jr-comment/ https://www.rappler.com/voices/editorials/continue-defending-ofws-despite-ferdinand-marcos-jr-comment/#respond Mon, 29 May 2023 12:50:02 +0800 Sabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., minsa’y “overreaction” ang mga deployment ban.

Inay ko po, tila inilaglag ni Marcos ang kanyang mga tao sa Department of Foreign Affairs at sa Department of Migrant Workers (DMW) nang sabihin niyang OA ang polisiya. Pero hindi matatawaran ang dalawang opisyal na nasa forefront ng negosasyon at pagpe-pressure sa Kuwait.

Pinangungunahan ito ni DMW Secretary Susan “Toots” Ople, isang advocate ng overseas Filipino worker o OFW rights, at si Enrique Manalo, isang career diplomat at batikan sa larangan ng foreign affairs. Duda ba si Marcos sa dunong ng kanyang mga appointees? Imbes na katigan ang pro-OFW stance ng kanyang mga tao, bakit niya tila pinasasagasaan sila sa bus? 

Baka naman nagkulang lang sa briefing si Presidente mula sa mga eksperto sa usaping ito mula sa burukrasya? Alam ba niyang di bababa sa dalawang beses nang napilitan ang Pilipinas na mag-impose ng domestic worker ban sa Kuwait dahil sa karima-rimarim na inaabot ng mga Pinay doon?

Bilang ganti, nagpairal naman ang Kuwait ng entry ban na nakaapekto sa 800 Pilipinong manggagawang patungo sana roon.

Pero kalahati lang ‘yan ng istorya. Nitong 2020, halos nasa 5,000 na ang kaso ng pang-aabuso sa mga Pilipinong OFW, kung saan 4,302 ang mga kasong nasa Middle East. Malaking bilang niyan ang nasa Kuwait.

Habang may pansamantalang aray, marami pang bansang bukas ang pintuan sa mga OFW kung saan hindi kasinlupit ng Kuwait ang rekord ng pang-aabuso. Dapat ipagpatuloy ng DMW ang pagbibigay ng cash assistance sa mga napagsarhan ng border at tulungan silang mapuwesto sa ibang trabaho, sa labas o loob man ng bansa. Halimbawa, sa isang proposal, sinabi ni Senador Raffy Tulfo na dapat na ring magpatupad ng gradual transfer sa mga ligtas na lugar tulad ng Guam.

Ayon sa isang Social Weather Stations survey nitong Abril, 17% ng mga Pilipino ang nais magtrabaho abroad, habang 7% sa mga Filipino household naman ang may miyembro ng pamilya na OFW. ‘Yan ay dahil kapos sa employment opportunities dito sa ating bansa.

Pero napakalaking social cost ang katumbas ng higanteng bilang ng OFW natin.

Magandang case study ang Kuwait – ang ikatlong pinakamalaking producer ng krudo ng OPEC – sa trade-off na ito. Umabot ng $597 milyon ang remittances ng OFW sa Kuwait noong 2022.

Natagpuan ang sunog na bangkay ni Jullebee Ranara sa disyerto ng Kuwait nitong Enero. Andiyan din si Daniela Demafelis na natagpuan ang katawan sa freezer. Sina Ma. Constancia Lago Dayag at si Jeanelyn Villavende ay parehong biktima naman ng sexual assault.

Nitong Pebrero, inireport din ni Senador Tulfo ang kaso ni Myla Balbag na naparalisa matapos tumalon mula sa ikatlong palapag ng bahay ng kanyang employer. Nahuli daw si Myla ng kanyang amo na nagsasayaw gamit ang TikTok kaya’t siya’y binugbog.

Ang mga babaeng household o domestic workers ay bulnerable sa abuso dahil isolated sila sa bahay ng kanilang mga employer na malayo sa mata ng ahensiya at embahada. Ganap ang kontrol ng mga employer sa mga household workers dahil sa kafala system, ang kalakaran kung saan employer ang nagtatago ng pasaporte ng foreign worker kaya’t hindi sila makalipat o makaalis sa trabaho kahit minamaltrato.

10% ng gross domestic product ng Pilipinas ay nanggagaling sa remittances.

Sa laki ng kontribusyon ng mga OFW sa ekonomiya ng Pilipinas, wasto lang na tumanggap sila ng kaakibat na proteksiyon mula sa pamahalaan.

Nasa gitna ng negosasyon ngayon ang Pilipinas at Kuwait, kaya’t hindi talaga nakatutulong ang misinformed na komento ng Chief Executive. Kung mayroon mang nagawa ang komento, ang ito’y iparamdam sa Kuwait na ituloy nila ang pambu-bully sa mga opisyal ng Pilipinas.

Kabilang sa demanda ng Kuwait ang pagtatanggal ng halfway houses doon – ang tanging takbuhan ng mga runaway na kasambahay, at pagtigil sa pagre-rescue ng mga nasa panganib na mga OFW. Ipinapalabas din ng Kuwait na mga violation ang mga bagay na ito ng batas nila sa kanilang bansa.

Magkalinawan tayo – tama lang at mahalagang magpatuloy ang shelters para sa distressed OFWs sa Kuwait at sa lahat ng bansang may Pilipinong manggagawa. 

Dapat na ring maibasura ang kafala system na ginagawang mistulang alipin ang mga foreign workers sa mga bansang Arabo – pero ang bagay na ito’y dedepende nang malaki sa umiiral na kultura sa mga bansang ito.

Sa isang pahayag, sinabi ng DMW na integral na bahagi ng serbisyo ng Pilipinas ang mga shelters para sa distressed OFWs. Sabi pa nito, “Providing protection to a country’s citizens abroad is a well-established duty of consular offices under international law and conventions.” Bravo, DMW.

Sana’y hindi tumiklop ang mga propesyonal na diplomat at tagapagtanggol ng mga OFW sa DFA at DMW. 

Ito’y sa kabila ng kanilang presidente na tila mahina sa art of negotiation at nagsabing, “I don’t want to burn bridges.” 

Dapat may magpaliwanag sa Pangulo na habang maganda ang bridge-building, hindi puwedeng magtayo ng tulay sa ibabaw ng mga kalansay ng mga pinatay at inabusong OFW. 

Sabi nga ni Foreign Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Eduardo de Vega sa harap ng Senado, non-negotiable ang pagtitiyak ng hustisya para kay Ranara at pagpapabuti ng working conditions doon.

Sabi naman ni DMW Undersecretary Hans Cacdac, “Wala na dapat Pilipino o Pilipina na masasaktan, mahahalay, magugulpi, and worse, mamamatay, sa kamay ng kanilang mga employer o sino man.” Siya nawa. – Rappler.com 

]]>
https://www.rappler.com/voices/editorials/continue-defending-ofws-despite-ferdinand-marcos-jr-comment/feed/ 0 animated-kuwait-ofw-new-visas-suspended https://www.rappler.com/tachyon/2023/05/animated-kuwait-ofw-new-visas-suspended-carousel_720.jpg
[EDITORIAL] Ang ‘Game of Thrones’ sa Kamara. Ilabas na ang popcorn. https://www.rappler.com/voices/editorials/house-representatives-game-thrones-version-bring-out-popcorn/ https://www.rappler.com/voices/editorials/house-representatives-game-thrones-version-bring-out-popcorn/#comments Mon, 22 May 2023 13:20:22 +0800 Welcome sa Game of Thrones sa Mababang Kapulungan.

Nitong May 17, na-demote o nasipa pababa ang isa sa pinakamatibay na power center sa House of Representatives – si dating Pangulong Gloria Arroyo. Mula senior deputy speaker – na pumapangalawa sa Speaker – ngayo’y isa na lamang siyang pangkaraniwang deputy speaker. 

Mabilis itong nasundan ng “irrevocable resignation” ni Vice President Sara Dutere bilang miyembo ng Lakas-CMD, ang makinaryang nagpanalo sa kanya bilang bise president noong halalan 2022. Binanggit niya ang “political toxicity” at “political power play” sa kanyang statement, hindi nalalayo sa mga salitang ginamit din ni Arroyo.

Malinaw na may natibag na friendship bridge sa pagitan ng dalawang pinakamakapangyarihang kampo sa ilalim ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. 

Nariyan ang pinsan ni Marcos Junior na si Martin Romualdez, ang Speaker of the House. Mayroon pa bang hihigit kay Romualdez pagdating sa tiwala ng First Couple?

Pero andiyan din si Sara Duterte – ang nagdeliver ng Duterte loyalist votes para sa tandem nila ni Junior nitong nakaraang eleksiyon. Kung tutuusin, mas maataas ang voter preference ni Sara na nasa 28% bago ang halalan kumpara sa 13% voter preference ni Marcos Jr. noong panahong iyon. 

At siyempre, si GMA, ang tusong politiko, ang king maker na nagmahika ng alyansang ito at pumatay sa tsansa ni Vice President Leni Robredo at iba pang kandidato ang masugid na kakampi ngayon ni Sara. Ito’y sa kabila ng pagtutol ng ama ni Sara na si Rodrigo Duterte na magbise lang siya at naniwalang mas may karapatan si Sara na tumakbong presidente.

Magtataka pa ba tayo kung bakit tingin ni Sara at Gloria Arroyo, dasurv nila ang mas malaking spoils of war? Overrated ba talaga ang salitang “unity” sa Uniteam? Looks like it.

Sinuportahan ni Arroyo si Romualdez bilang Speaker sa simula ng termino ni Marcos Jr. pero ngayong 2023, dalawang taon bago ang 2025 mid-term elections, mukhang hindi na sasapat ang maging “secret weapon” na lang sa foreign trips ng Pangulo. 

May ouster plot daw si GMA laban kay Romualdez? Sabi ni Romualdez mismo nitong May 12, “Occasional moves to destabilize the House should be nipped in the bud.”

“Clearly, the dam broke,” sabi ng isang beteranong analyst ng Rappler. 

Malinaw na sa harap ng nag-uumapaw na sama ng loob ng Sara-Gloria camp, walang matinik sa Malacañang na nakapagpakalma at nakapigil sa pagbitak ng dam. 

Malinaw ito sa 14-paragraph statement ni GMA kung saan halos inamin niyang minsan niyang inasam ang speakership. Pero naniniwala ba tayo nang sabihin niya ngayon na hindi na siya interesado?

Nag-over-react ba ang bagitong Speaker sa pagdedemote kay GMA? Siguro. O kailangan talagang magpadala siya ng malinaw na mensahe sa mga kaalyado na hindi siya placeholder lang ni Ginang Arroyo at siya ang tunay na kapangyarihan? Puwede.

Makikita rin ang bigwas ng Martin camp sa kadahilanang kanilang ibinigay sa pagdedemote kay Arroyo: ito raw ay upang “maibsan si Arroyo ng malaking responsibilidad na kaakibat ng pagiging senior deputy speaker.” May padaplis pa sila na hindi na kayang gampanan ni GMA ang tungkulin? Aray ko po!

Ganito rin ang aliw na idinulot sa atin ng war of the titans nina dating speaker Pantaleon Alvarez at Arroyo na nauwi sa taguan ng mace na simbolo ng Kamara. O nang nag-convene sa ibang lugar ang kampo ni Marinduque Representative Lord Allan Velasco upang maikutan ang recess ng Kongreso at matungkab sa puwesto ang nakaupong speaker noon na si Alan Cayetano ng Taguig-Pateros. 

Samantala, andiyan pa rin ang food insecurity ng bansa – problemang nasa bakuran mismo ng Presidente na concurrent na hepe ng Kalihiman ng Agrikultura. Andiyan ang learning poverty at korupsiyon na nanunuot sa sistema ng DepEd (na nasa bakuran naman ni Sara) na kitang-kita sa firesale ng laptops para sa mga guro. Andiyan din ang warlordism at kultura ng patayan sa probinsiya kung saan may pito nang tangka at tagumpay na pag-assassinate sa mga elected officials tulad ni Roel Degamo mula nang naupo si Marcos Jr. 

Habang abala sa sink-or-swim politics ang mga kongresista, maaalala ba nila na taumbayan ang kanilang pinaglilingkuran? Huwag na kaya tayong magtanong, manood na lang tayo, hehe.

Malinaw na open season na at panahon na ng sikuhan at tadyakan upang makaposisyon para sa 2025 elections, na mapagpasyang susi naman sa 2028 presidential elections. 

Isang Joe De Venecia in the making ba si Romualdez? (May speaker na bang naupong presidente in recent memory?) Si VP Sara naman – na tulad ni GMA ay anak din ng isang dating presidente at naupo ring bise – siya ba ang bagong GMA? 

More popcorn please. – Rappler

]]>
https://www.rappler.com/voices/editorials/house-representatives-game-thrones-version-bring-out-popcorn/feed/ 1 animated-team-unity-cracks-sq-gif https://www.rappler.com/tachyon/2023/05/animated-team-unity-cracks-carousel.jpg
[EDITORIAL] Ang kuwento ng ‘secretary of injustice’ at ‘prisoner of conscience’ https://www.rappler.com/voices/editorials/story-aguirre-secretary-injustice-de-lima-prisoner-conscience/ https://www.rappler.com/voices/editorials/story-aguirre-secretary-injustice-de-lima-prisoner-conscience/#respond Mon, 15 May 2023 12:59:04 +0800 Hindi pa tapos ang laban para sa kalayaan ni Leila de Lima. 

Major stumbling block pa rin ang natitirang ikatlong kaso kung saan nakabitin ang isang petition for bail.

Sinabi na ni Justice Secretary Boying Remulla na tututol ang gobyerno kapag ipinilit ng kampo ni De Lima na ilaban ang kaso batay sa merito nito. (At sa malamang ay ilalaban ni De Lima ito sa merito dahil na rin sa prinsipyo.)

Ngunit, sabi ni Remulla, hindi tututol ang gobyerno kapag ang karapatan niya sa isang mabilis na paglilitis ang gagamitin ni De Lima bilang pangangatuwiran. Ito rin ang ginamit na ruta ni Gigi Reyes, ang matagal na nakulong na chief of staff ni Juan Ponce Enrile sa kasong pandarambong o plunder.

May hearing na naka-schedule sa Hunyo at umaasa ang mga abogado ni De Lima na maaaprobahan na ang kanyang bail bago pa man ang mismong pagdinig.

Sa madaling salita, wala pa ring kasiguraduhan kahit ang pansamantalang paglaya ni De Lima.

Sa kasong ibinasura ng Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 204, ipinahiwatig ni Presiding Judge Abraham Joseph Alcantara na nang natastas ang testimonya ni dating BuCor acting chief Rafael Ragos, natastas na rin ang buong kaso ng conspiracy. 

Sabi niya: “The testimony of witness Ragos is necessary to sustain any possible conviction. Without his testimony, the crucial link to establish conspiracy is shrouded with reasonable doubt.”

Sabi ng isa pang key witness sa kaso laban kay De Lima na si Kerwin Espinosa, isa umanong drug lord sa Visayas, siya’y “coerced, pressured, intimidated, and seriously threatened” upang tumestigo laban kay De Lima. Itinuro ni Espinosa ang mga pulis sa pananakot sa kanya.

At sino ang arkitekto ng engrandeng kasinungalinan? Itinuro mismo ni Ragos si Vitaliano Aguirre II, ang nakaupong justice secretary noon. It turns out, secretary of injustice pala.

Si Aguirre ang attack dog ng presidente noon na si Rodrigo Duterte laban kay De Lima dahil si De Lima ang naghalungkat ng mga ebidensiya sa Davao Death Squad noong siya’y pinuno ng Commission on Human Rights (CHR). (Si De Lima pa nga raw mismo ang nag-transcribe ng mga salaysay ng mga witness laban sa DDS.)

Huwag nating kalimutan kung paano inalipusta si De Lima ng mga kampon ni Duterte. Halimbawa ang isang hearing sa House of Representatives kung saan nakisawsaw at nakiudyok si Harry Roque sa diskusyon ng love life ni De Lima na parang tsismosong palengkero. Matatandaan ding tinarget si De Lima ng keyboard army ni Duterte na gumawa pa ng deepfakes ng malalaswang video. 

Sabi ng head of digital strategy sa Rappler na si Gemma Bagayaua-Mendoza, “Binaboy si De Lima, long and short of it, na-dehumanize siya, hindi na siya tao.”

At sa kontekstong ito dapat ding pag-usapan ang mga tulad ni Sass Sasot na nagpakalat ng disinformation laban kay De Lima. Ngayon ay nagpupumilit siyang bumalik sa limelight at respektabilidad sa tulong ng mga komentaristang nag-eendoso ng “false equivalence” o pagtangkilik sa “both sides” na parang isang patas na debate lang ito. 

Pero mabalik tayo kay Aguirre. Si Aguirre ang counterpart ni Bato dela Rosa, na arkitekto ng drug war ni Duterte. Siya ang arkitekto ng weaponization ng batas na nagdala kay De Lima sa kalaboso. (Siya rin ang arkitekto ng maraming atake sa mga kritiko tulad ng midya.)

Ngayong tampok sa balita si De Lima, dapat nating balikan ang pinakamahalagang usapin: si De Lima ay isang prisoner of conscience. Sabi ni Glenda Gloria sa Newsbreak Chats, hindi ito naging election issue noong 2022 dahil “na-demonize siya: babae si Leila, matapang si Leila.” 

Matindi na ang pagkabalahura sa sistema ng hustisya natin kung ang isang dating election lawyer na paborito ng mga politiko, isang dating CHR chairperson, at isang dating justice secretary tulad ni De Lima ay naging biktima ng verbal sexual abuse, frame-up (makikita ito sa mga retraction ni Ragos at Espinosa), at ikinulong nang anim na taon. 

Kung si De Lima’y nasampolan, paano na ang pangkaraniwang tao? Ano’ng laban natin sa makinarya ng kapangyarihan kapag tayo ang napag-initan?

Sabi ni De Lima, “Ginamit at inabuso ni Duterte at kanyang mga alipores ang buong lakas ng gobyerno upang wasakin ako at ikulong ako.”

Wala na nga sa poder sina Duterte at Aguirre, pero nariyan pa rin ang epekto ng sala-salabat na kasinungalingang ipinakulo nila. Dapat sa tamang panahon, panagutin din si Aguirre sampu ng mga nagsabuwatan upang ilibing nang buhay si De Lima, kasama na si Sasot at mga tulad niya.

At iyan ngayon ang kalaban ni De Lima, ang remnants ng kapangyarihang iyon – ang mga nasa burukrasya na nag-i-invoke ng “due process” kahit malinaw na ang nasasakdal ay biktima ng kawalan ng due process. Sila ang mga nagmamalinis ngayon dahil hindi naman sila direktang sangkot sa unang kabuktutan ng batas, pero sa totoo lang ay malaki ang magagawa upang pabilisin ang hustisya.

Alam ‘nyo naman kung sino kayo. Silence is complicity. Doing nothing when you can do something is complicity. – Rappler.com

]]>
https://www.rappler.com/voices/editorials/story-aguirre-secretary-injustice-de-lima-prisoner-conscience/feed/ 0 animated-leila-de-lima-verdict https://www.rappler.com/tachyon/2023/05/animated-leila-de-lima-verdict-carousel.jpg
[EDITORIAL] Ano sana ang takeaway ni Sara Duterte sa firesale ng mga laptops? https://www.rappler.com/voices/editorials/sara-duterte-takeaway-firesale-laptops-for-teachers/ https://www.rappler.com/voices/editorials/sara-duterte-takeaway-firesale-laptops-for-teachers/#respond Mon, 08 May 2023 12:53:38 +0800 Ano ba ang dinanas na kalbaryo ng isang guro noong pandemya? 

Halimbawa si Teacher Diana na isang guro sa isang elementarya sa probinsiya. Nag-adjust siya sa bagong curriculum na dinisenyo para sa internet. Kinabisado niya ang iba’t-ibang porma ng pagtuturo na angkop sa online. Pilit niyang minomonitor ang mga estudyante online na madalas ay wala ring bandwidth para makakonek sa kanya, habang ang iba naman ay hirap magka-access sa gadget. 

Lahat ng mga aktibidad na ito ay kailangan ng computer. Nangako ang DepEd na magpapadala kay Teacher Diana ng work laptop pero hindi na dumating ang mga laptop sa kanilang paaralan.

Kaya maliban sa stress ng distance teaching na dinanas ni Teacher Diana, napipilitan pa siyang dumukot sa bulsa upang bumili ng sarili niyang laptop. Sa kabila ng lahat ng ito’y nakangiti pa rin siya.

Ngayon, nabalitaan niyang ang mga laptop na dapat ay para sa mga gurong tulad niya’y ibinebenta sa Facebook marketplace o sa mga computer shops na bagsak presyo. (BASAHIN Part 1: Negligence, corruption lead to fire sale of DepEd laptops | Part 2: Tiny logistics firm bags P667-million DepEd deal – and fails to deliver)

Sa ilalim kasi ng Department of Education Computerization Program (DCP), inilaan ang P1 bilyon para sa pagbili at pagpapadala ng Coby laptops at iba pang gadgets sa mga paaralan sa buong bansa.

Paano nauwi sa retail stores ang mga laptop na dapat ay para sa mga guro noong pandemya?

Una, dahil daw hindi nakabayad ang DepEd sa logistics provider na Transpac, ibinenta ng mga subcontractors ng Transpac ang mga laptop nang bagsak presyo upang makabawi sa lugi.

Bakit hindi nakabayad? Mukhang may pera naman. Sabi ng dating undersecretary ng DepEd na si Alain Pascua, “naipit daw sa transition ng dalawang administrasyon” ang pagbabayad sa mga kontratista.

Appointee ng tatay ni Sara si dating DepEd secretary Leonor Briones. Ganoon ba kahirap mag-turnover ang dalawang kampong hindi naman magkagalit? Hindi ba malinaw na nagligence at incompetence ito at repleksiyon sa pamumuno ni Briones at ngayo’y DepEd Secretary Sara Duterte?

Pangalawa, bakit walang nagawa ang DepEd nang makarating sa kanila ang balitang nagkalat sa merkado ang mga laptop na may naaaninag pang pangalan ng departamento? 

Ayon sa report ng Rappler, naging makupad  (“moved too slowly”) ang DepEd sa pagpigil sa firesale ng mga laptop na pag-aari nito sa ilalim ng kontrata. Bakit walang konkretong aksiyon? Dagdag na pruweba ba ito na sadyang incompetent ang DepEd? 

Pangatlo, bakit isang “small entity” ang nakakopo ng multimilyong pisong kontrata? Bakit nito naungusan ang ibang bidders tulad ng MetroPac (isang logistics company sa ilalim ng Metro Pacific Group ni Manny Pangilinan) at OSLI (isang kompanya sa ilalim ng Magsaysay Shipping Lines)? 

Sa bandang huli, bakit nanalo ang isang maliit na kompanya na walang kapasidad na matagalan ang waiting game ng bayaran sa gobyerno? 

Tatlong bagay ang naging sangkap sa disaster ng laptop deal na ito: Pagpili ng maling bidder na madaling tumiklop sa harap na naantalang pagbabayad ng DepEd; turnover mess sa pagitan ng liderato ni Briones at Duterte na nauwi sa delayed payments; at kawalan ng malasakit ng DepEd na habulin ang mga laptop na nagkalat sa merkado.

Ibang usapin pa ito sa P2.4 bilyon ng mga “outdated and overpriced laptops” na nahalungkat noon ng Commission on Audit na overpriced nang P979 milyon.

Pero hindi lang simpleng korupsiyon o negligence ang usapin dito. Sampal ang balitang ito sa mga guro tulad ni Teacher Diana na nagsakripisyong makaraos sa pagtuturo ng distance learning.

Maaaring maliit na problema lamang ang firesale ng laptops ng DepEd kung ikukumpara sa gabundok na problemang kinakaharap ng edukasyon sa Pilipinas. 

Andiyan ang learning poverty crisis, kung saan ang mga 10 taong gulang na mag-aaral ay hirap magbasa at umintindi ng simpleng texto. Ugat daw ng learning poverty ang mga overworked teachers na hindi rin sapat ang kakayahang magturo ng mga subject na kanilang itinuturo.

Bakit sila overworked? Dahil kakaunti ang mga teacher kumpara sa estudyante. Ayon sa isang PCIJ report, ang ratio ng teacher sa mag-aaral ay 1:40.  

Noong 2022 naman, ang student-classroom ratio ay 68:1 sa Metro Manila at Calabarzon, ayon mismo sa DepEd. Ibig sabihin, pangkaraniwang nagsisiksikan ang 68 na estudyante sa isang classroom.

Iba pang mga issue: sa kabila ng hirap ng pagiging teacher, marami pa ring pumapasok sa propesyong ito. Hindi na ito ganap na hardship profession pero sa taas ng bilihin ngayon, hindi pa rin ito maikukumpara sa ibang white-collar jobs, kaya’t mahalaga ang tuloy-tuloy na pag-upgrade ng suweldo nila. Kailangan din daw i-review ang K to 12 curriculum na madalas ay obsolete at hindi kumpleto.

Pero sa kabila ng nakalululang mga problema, madalas abala ang Bise Presidenteng kalihim din ng DepEd sa pagre-red-tag sa mga itinuturing niyang komunista at umano’y kapanalig ng New People’s Army. (BASAHIN: Sara Duterte brings red-tagging to DepEd)

Nananawagan kami ng honest-to-goodness good housekeeping sa loob ng DepEd, at mabilis na pagtugon sa mga problemang abot-kamay naman ang solusyon tulad ng firesale ng laptops. 

Pero lahat ng ito’y nakadepende sa liderato. Ginang Duterte, may limang taon ka pa sa DepEd – at tulad ng pinatunayan ng tatay mo, malaki ang nagagawa ng political will (na winaldas niya sa war on drugs, btw). Nawa’y magkaroon ka ng tiyagang habulin ang mga tiwali at inutil sa iyong ahensiya, at magkaroon ka rin ng dunong na akayin ang DepEd sa gitna ng matinding shortage nito ng pasilidad at manpower.

Dahil nakasalalay sa ’yo ang kinabukasan ng napakaraming Pilipinong maaaring lumaking salat sa kaalaman at hindi kuwalipikadong makakuha ng maayos na trabaho. (At sana’y tantanan mo na rin ang red-tagging.) – Rappler.com

]]>
https://www.rappler.com/voices/editorials/sara-duterte-takeaway-firesale-laptops-for-teachers/feed/ 0 animated-DEPED-laptop-fiasco https://www.rappler.com/tachyon/2023/05/animated-DEPED-laptop-fiasco-carousel.jpg
[VIDEO EDITORIAL] Sa gitna ng nag-uumpugang US at Tsina, mahalaga ang transparency https://www.rappler.com/voices/editorials/video-transparency-crucial-ferdinand-marcos-jr-navigating-us-china-conflict/ https://www.rappler.com/voices/editorials/video-transparency-crucial-ferdinand-marcos-jr-navigating-us-china-conflict/#respond Sat, 06 May 2023 22:43:27 +0800 “Times they are a-changin’.”

‘Yan ang sabi ng Malacañang Rappler reporter na si Bea Cupin sa kaniyang ulat sa Balikatan drill.

Hindi lang makikita ang “change” na ito sa relasyong Pilipinas at Estados Unidos – na mula sa taglamig o winter ni Rodrigo Duterte ay tumatamasa ngayon ng tagsibol o spring sa ilalim ni Ferdinand Marcos Jr.

Makahulugan ang mga development na ito sa pakikipag-usap ni Pangulong Marcos kay US President Joe Biden sa kaniyang pagbisita sa Amerika. 

Pero bukas ang mata natin – sa kabila ng madalas na paggamit ng gobyerno ni Marcos ng salitang transparency – na malayo sa busilak ang rekord nito sa usaping ito. 

Sana lang ang transparency ay hindi nangangahulugang “good weather bulletin” lamang. 

Umaasa kami na simula rin ito ng makabuluhang access sa pamahalaan ni Ginoong Marcos. 

Mahalaga rin na mailagay sa tamang konteksto ang balancing act na ginagawa ni Marcos. 

Dapat maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi magiging papel ng Pilipinas ang paglunsad ng proxy war para sa US laban sa Tsina – sa kabila ng pag-e-expand niya ng EDCA. 

Dahil national security ang nakasalang – at higit kailan, kailangan alam ng taumbayan ang pinapasok nating peligro sa pagitan ng dalawang nag-uumpugang bato. – Rappler.com

BASAHIN: [EDITORIAL] Sa gitna ng nag-uumpugang US at Tsina, mahalaga ang transparency

]]>
https://www.rappler.com/voices/editorials/video-transparency-crucial-ferdinand-marcos-jr-navigating-us-china-conflict/feed/ 0 [VIDEO EDITORIAL] Sa gitna ng nag-uumpugang US at Tsina, mahalaga ang transparency Dapat maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi magiging papel ng Pilipinas ang paglunsad ng proxy war para sa US laban sa Tsina – sa kabila ng pag-e-expand niya ng EDCA.  Ferdinand Marcos Jr.,US-China relations https://www.rappler.com/tachyon/2023/05/animated-philippine-coast-guard-us-china-relations-carousel-2.jpg
[EDITORIAL] Sa gitna ng nag-uumpugang US at Tsina, mahalaga ang transparency https://www.rappler.com/voices/editorials/transparency-crucial-ferdinand-marcos-jr-navigating-us-china-conflict/ https://www.rappler.com/voices/editorials/transparency-crucial-ferdinand-marcos-jr-navigating-us-china-conflict/#respond Mon, 01 May 2023 12:28:21 +0800 Times they are a changin’.” ‘Yan ang sabi ng Malacañang Rappler reporter na si Bea Cupin sa kanyang ulat sa Balikatan drill.

Hindi lang makikita ang “change” na ito sa relasyong Pilipinas at Estados Unidos – na mula sa taglamig o winter ni Rodrigo Duterte ay tumatamasa ngayon ng tagsibol o spring sa ilalim ni Ferdinand Marcos Jr.

Makikita ang pagbabago sa pagsasapubliko ng mga girian sa West Philippine Sea ng mismong Philippine Coast Guard (PCG), at take note, polisiya na ang pagigiging bukas sa madla at sa media. 

Nitong Pebrero lang, naglabas ng video evidence ang PCG na gumamit ang Chinese Coast Gaurd ng miltary-grade laser upang i-harrass ang coast guard natin.

Hindi lang iyan, may nakaupong spokesman ang PCG na bihasa at madaldal sa sensitibong isyung ito. Kaya ni Commodore Jay Tarriela na ipaliwanag ang tactical at strategic dimension ng policy shift sa punto de bista ng defense at diplomasya.

Strategic din na PCG ang nasa frontline dahil ito ay isang civilian body at naiiwasang maging militarized ang situwasyon. 

Sa paliwanag mismo ni Tarriela, dapat daw makawala ang Pilipinas sa “gray zone trap” ng Tsina habang umiiwas rin itong mapagbintangang “warmonger” o basagulero.

Ipinaliwanag ito ng retiradong US Air Force officer na si Raymond Powell na ngayo’y namumuno sa Project Myoushu sa Stanford University: allergic daw ang “gray zone” operators tulad ng Tsina sa public exposure. Sabi pa niya, “They want to accost their smaller victims in the shadows, with whispered warnings to keep quiet about it.” Na siya namang naging mortal sin ng administrasyong Duterte. 

Makahulugan ang mga development na ito sa pakikipag-usap ni Pangulong Marcos kay US President Joe Biden sa kanyang pagbisita sa Amerika. 

Pero bukas ang mata natin – sa kabila ng madalas na paggamit ng gobyerno ni Marcos ng salitang transparency – na malayo sa busilak ang rekord nito sa usaping ito. Ini-echo rin ito ng kapulisan na nagsabing magiging transparent ito sa media. Tulad din ng gobyernong Marcos, basang-basa rin ang papel ng mga pulis. 

Sana lang ang transparency ay hindi nangangahulugang “good weather bulletin” lamang. 

Umaasa kami na simula rin ito ng makabuluhang access sa pamahalaan ni Ginoong Marcos. Malaki pa ang puwang para umunlad ito, tulad ng pagsasabuhay ng batas sa Freedom of Information, na ngayo’y nasa papel lang at wala sa gawa ng burukrasya. Ngayon, para kang nakipag-usap sa pader kung mamamahayag ka na nag-request ng access sa government documents.

Mahalaga ang conversation na ito tungkol sa transparency sa nalalapit na World Press Freedom Day ngayong Mayo 3. 

Mahalaga rin na mailagay sa tamang konteksto ang balancing act na ginagawa ni Marcos. Dapat maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi magiging papel ng Pilipinas ang paglunsad ng proxy war para sa US laban sa Tsina – sa kabila ng pag-e-expand niya ng EDCA. 

Sa katunayan, may “thinly-veiled threat” na nga ang Ambassador ng Tsina sa Pilipinas na nagsabing dapat nitong i-reject ang kasarinlan ng Taiwan “if it cared about Filipinos working in Taiwan.”

Suwabe ang diskarte ni Marcos nang i-deflect niya ang tensiyon sa binitawang banta ng Tsina na malamang daw ay “lost in translation” lamang si Ambassador. 

Pero sa totoo lang Ginoong Marcos, hindi sapat ang madulas na dila sa pakikipaglandian sa dalawang super powers. 

At hindi lang ito usapin ng matamis na dila, o pagiging maliksi sa communications management, kundi tunay na transparency.

Dahil national security ang nakasalang – at higit kailan, kailangan alam ng taumbayan ang pinapasok nating peligro sa pagitan ng dalawang nag-uumpugang bato. – Rappler.com

]]>
https://www.rappler.com/voices/editorials/transparency-crucial-ferdinand-marcos-jr-navigating-us-china-conflict/feed/ 0 animated-philippine-coast-guard-us-china-relations https://www.rappler.com/tachyon/2023/05/animated-philippine-coast-guard-us-china-relations-carousel.jpg
[EDITORIAL] Paalam Albert del Rosario – makabayan, maginoo, ehemplong lingkod-bayan https://www.rappler.com/voices/editorials/tribute-farewell-albert-del-rosario-patriotic-gentleman-model-public-servant/ https://www.rappler.com/voices/editorials/tribute-farewell-albert-del-rosario-patriotic-gentleman-model-public-servant/#respond Mon, 24 Apr 2023 09:10:52 +0800 Nawalan ang Pilipinas ng kampeon, ehemplo, makabayan, at bayani nang pumanaw si dating foreign secretary Albert del Rosario.

Ayon kay retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, ang panalo sa The Hague laban sa Tsina na sinimulan at ipinaglaban ni Del Rosario ang kanyang “finest hour and greatest legacy.”

Si Secretary Del Rosario raw ay “tunay na makabayan, isang maginoo, at diplomat” na naglingkod sa bayan “nang buong katapatan, dedikasyon at integridad.”

Sabi niya, ang panalong ito “ang magdudulot ng biyaya sa kasalukuyan at susunod na henerasyong Pilipino.” Dagdag pa niya, “malaki ang utang na loob ng mga Pilipino kay Secretary Del Rosario.”

Sumibol ang lahat ng ito sa vision ni Del Rosario: ang walang pagtatanging pagtatanggol sa soberanya at pambansang interes ng Pilipinas. 

Sabi niya noong Marso 30, 2014 sa kanyang pleading: “With firm conviction, the ultimate purpose of the memorial is our national interest. It is about defending what is legitimately ours. It is about securing our children’s future. It is about guaranteeing freedom of navigation for all nations. It is about helping to preserve regional peace, security, and stability.”

Pero ‘di kumpleto ang larawan ni Del Rosario kung hindi natin babalikan ang buhay niya at paglilingkod bilang pinuno ng foreign affairs. 

Isa siyang matagumpay na negosyanteng naupo sa maraming board ng mga kompanya at hindi diplomat, pero mahirap higitan ang serbisyo niya sa larangang ito. Sa kanyang pagpapaalam sa dating boss, nagbigay-pugay ang nakaupong DFA Secretary Enrique Manalo na si Del Rosario na tumawag sa kanyang “consumate diplomat.”

36 oras matapos siyang sumumpa bilang foreign secretary, kumilos siya upang mapauwi ang 400 na Pilipino mula Libya sa pagsiklab ng mga pag-aaklas na tinaguriang Arab Spring.

Ayon sa diplomat na si Elmer Cato, si Del Rosario ang “Moses na nag-akay sa ating mga kababayan pauwi mula sa maraming ‘hot spot’ sa buong mundo.”

Bilang DFA secretary, ibinigay ni Del Rosario ang kanyang suweldo sa mga staff ng DFA, na nakatanggap ng extra na P500 kapag Pasko.

Dinalaw niya ang Pilipinang OFW na si Mary Jane Veloso sa kulungan sa Yogyakarta, Indonesia at ginamit ang kanyang personal na pera upang mabigyan ng scholarship ang mga anak ni Veloso.

Sa panahon ni Rodrigo Duterte na kilala sa pagkiling niya sa Tsina, nanatili si Secretary Del Rosario na boses ng “sobriety” at ilaw sa kadiliman – paulit-ulit niyang ipinaala ang kahalagahan ng arbitration ruling sa mga nagwawaldas ng gintong pamanang ito.

Marahil hindi batid ng mga Pilipino ang nawala sa atin sa pagpanaw ni Secretary Del Rosario. Sabi ni dating ombudsman Conchita Carpio Morales, “salamat sa handog mong pagkakaibigan, salamat sa handog mong patriyotismo.”

Sana’y batid, hindi lang mga diplomat, kundi pati ng mga nakaupong pinuno na sa pagpanaw ni Ginoong Del Rosario, na sila na ang dapat magtuloy ng kanyang pamana.

Sa maraming aspeto, siya ang Rizal ng ating henerasyon, malumanay pero matalas, intelektuwal, isa sa mga huling tunay na “statesman” – na nagpakita sa mga banyaga kung gaano kapita-pitagan ang mga Pilipino.

Salamat, Secretary Albert del Rosario, sa handog mong kagitingan, tapang, pagpapahalaga sa soberanya, at pagmamahal sa mga kababayan sa lahat ng sulok ng bansa.

Higit sa lahat, salamat sa pagpapakita – sa salita at sa gawa – papaano maging tunay na pinuno at lingkod bayan, tunay na makabayan, at tunay na Pilipino. – Rappler.com

]]>
https://www.rappler.com/voices/editorials/tribute-farewell-albert-del-rosario-patriotic-gentleman-model-public-servant/feed/ 0 animated-albert-del-rosario-death https://www.rappler.com/tachyon/2023/04/animated-albert-del-rosario-death-carousel.jpg