New School https://www.rappler.com RAPPLER | Philippine & World News | Investigative Journalism | Data | Civic Engagement | Public Interest Sat, 17 Jun 2023 06:05:43 +0800 en-US hourly 1 https://www.altis-dxp.com/?v=5.9.5 https://www.rappler.com/tachyon/2022/11/cropped-Piano-Small.png?fit=32%2C32 New School https://www.rappler.com 32 32 [New School] The individual college thesis: Solo flights and how I board them https://www.rappler.com/voices/new-school/opinion-individual-college-thesis-solo-flights-how-board-them/ https://www.rappler.com/voices/new-school/opinion-individual-college-thesis-solo-flights-how-board-them/#respond Tue, 13 Jun 2023 17:12:36 +0800 I was born with a reclusive gene. It made me the self-proclaimed captain of multiple ships nobody got on. Since then, that was exactly how I’ve preferred my whereabouts — no other questions, requests, or streams of conscious thought that I’m obliged to cater to but my own. Loneliness may plague my voyages to wins and losses big and small, but I couldn’t care less if I unearth my treasure unscathed. 

This penchant for solitude invaded my student life. I diligently kept myself occupied in school, at home, and in my trips to and from. The words individual outputs have also sounded more pleasant than group projects.

Now, I don’t resent collaborative efforts. God bless my peers who’ve made them worth accomplishing to begin with. However, after experiencing both commitments for over a decade, I can affirm that my one-woman undertakings have opened far more doors. In fact, being this dedicated lone ranger has brought success to one of my most resolute pursuits to date — my undergraduate thesis. 

Of course, it wasn’t like this from the get-go. Prior to conquering two semesters’ worth of research alone, I did the same four years ago with my three most cherished high school friends. We didn’t even call it a thesis class back then, but Practical Research — too forward and formal. No different from the shackles of Verdana and 180-point quarterly tests we were chained to. We braved chaotic group chats, onslaughts of information, and splitting printing expenses among ourselves. We also had not the slightest clue how to navigate Google Sheets — a tool that, in retrospect, would’ve easily spared us from the horrors of data computation in our 50-page appendices. The whole school year, we vowed to never lose sight of the fruits of our teamwork. Whatever pointed critiques we received, we took in stride until we marched up the graduation stage as our batch’s best researchers.

If you told me that same year that I’d be down three groupmates in college and still pass my thesis defense with an accolade of a similar caliber, I’d laugh in your face. 

Nevertheless, I’ve leapt over that hurdle and stuck the landing. 

Funnily enough, I knew what going solo was going to get me into. I knew I’d have triple the responsibilities and deliverables of those in pairs and trios. I knew that data-gathering, my defense deck, printing expenses, and answering panel questions were all on me. I knew I’d have no extra eyes to pinpoint typos and spacing oversights that I’d miss out of perpetual drowsiness. Well, except my adviser at consultations. Why else would I have asked for tips and caveats from last year’s individual researchers? The legwork was a no-brainer. Turning the saying “no man is an island” on its head, however, was a different story. 

A heart’s a heavy burden. Even more so is spending roughly nine months (but who’s counting?) glued to my thesis topic — on campus journalists’ plight and peril, no less. The push and pull of trust I’d wring through my study. The university chapel prayers, brows knitted and hands clasped, that my progress wouldn’t go askew. Foraging virtual libraries for factually accurate iterations of saying, “Yes, this is an actual problem that requires the media’s utmost attention.” The impending doom of defense day three months ago, realizing only after that nerve-wracking hour and a half that I had nothing to worry about. Teams of two or three researchers shared the pain all these obstacles instilled. I, on the other hand, had the world’s baggage on my shoulders. 

That was the hardest part. 

Must Read

[New School] Regrets and redemption: Notes of a pandemic-time, graduating college senior

[New School] Regrets and redemption: Notes of a pandemic-time, graduating college senior

Our theses were “marathons” to our advisers. In their eyes, no matter how starkly our paths contrasted, we crossed the same finish line. We chased the same deadlines, shared the same calls for informants, and eventually stood our ground beaming with purpose. Still, even the academic parallels that bolstered us couldn’t banish the vividly distinct memories we chronicled along the way.  

Before the second semester, I was asked about mine. Specifically, how groupmate-less research was going. I couldn’t wrap my head around my friend’s reaction, let alone decipher whether it was sincere or feigning pity. He said I looked happy rambling about my thesis. I, riddled with eye bags and blotches of acne, looked happy — in control, even — discussing how critical discourse propelled press freedom to utmost prominence. 

Surely, he was pulling my leg. Nobody looked that elated over their study until its completion (or, in my case, a Best Thesis nomination). That, and the fact that I lied to him. My choice was firm, yes. Upholding it? Not so much. 

He was right about the “in control” part, though. With individual research, control was all I had. I needed to fortify my grasp on chapters one through six. No one else was going to lighten the load, anyway. I didn’t micromanage my study solely out of expectations, either. I just had passion. Heaps of it that couldn’t be faked. I wasn’t the most skilled at honing it, but it was there. Bouncing off the walls in my head, staying anything but still. It spilled out of my mind and onto an 80-page knowledge bank. 

I couldn’t have anyone else translate my passion to paper, let alone believe their words over mine. That’s what kept me going — festering distrust over my lack of friendships tested by fire. To quote an illustrious mainstay from our department: “An individual thesis is doable at your social life’s expense.” And to that, I quote Andie Anderson: I couldn’t lose something I never had.

Senior year saw me grappling with this case I couldn’t cure. Too caught up in related literature and discussing my findings, I learned too late that it wasn’t my decision I had to change, but how I perceived the options I didn’t entertain. 

On social media, it was like living vicariously through my batchmates’ shared endeavors. The brainstorming-turned-bonding sessions. Exploring the metro until sundown. Blowing off steam after migraine-inducing data analyses. As I cheered them on, I thought, “I want that for myself.”

I still struggle to accept this perspective today. Would the rest of the batch have known that I’m actually quite fond of togetherness? That I even miss it every so often? Now, entering my employment era, I wonder if my future colleagues can tell that I don’t always keep my thoughts to myself. I want to know if they agree that spaces are sometimes better shared than confined in solitary bubbles collecting dust.

My thesis could’ve gone several riskier, more thrilling, and spontaneous ways. I simply chose what worked best for me, and it hasn’t failed me once. But looking back on these neighboring roads I indeed could’ve taken, I hope I still have it in me to make room in my heart for company. Perhaps there is no harm in small talk over water coolers, grabbing coffee with my deskmate, or mounting projects with new hires to achieve lasting impressions. 

The fruits of my batch’s know-how have proven our eagerness and capability to change the world. Who’s to say doing so with like-minded people won’t get us anywhere? – Rappler.com

Andrea G. Posadas is a a graduating AB Communication student from the Ateneo de Manila University. 

]]>
https://www.rappler.com/voices/new-school/opinion-individual-college-thesis-solo-flights-how-board-them/feed/ 0 regrets-redemptions-notes-may-28-2023 https://www.rappler.com/tachyon/2023/06/ns-solo-flight.jpg
[New School] Husay sa sipnayan: Sadyang likas o binubuo? https://www.rappler.com/voices/new-school/opinion-talent-mathematics-nature-nurture/ https://www.rappler.com/voices/new-school/opinion-talent-mathematics-nature-nurture/#respond Tue, 13 Jun 2023 17:01:53 +0800 “Ang husay mo sa math, magiging inhinyero ka siguro,” ay isang pahayag na bihirang sinasabi sa mga kababaihang bata. Kadalasan, ang nasasambit at nakatatak sa kababaihan ay, “Galing mo sa math. Sayang naman ang husay mo, mag-aasawa ka lang naman.” 

Ilang linggong nakalipas noong ipinahayag ng Mathematical Society of the Philippines (MSP) ang pinal na koponan na binubuo ng anim na miyembro na kakatawan sa Pilipinas sa International Mathematics Olympiad (IMO) ngayong taon. 

Bilang konteksto, ang IMO ay kabilang sa pinakaprestihiyosong kumpetisyon na maaaring salihan ng isang mag-aaral mula sa paaralang sekundarya. Ito ay nangyayari ng isang beses lamang sa isang taon, kaya ang bawat bansa ay nagsisikap na magpadala ng anim sa pinakahusay na estudyante sa kanilang bansa upang kumatawan sa kumpetisyong ito. 

Matapos ipahayag ang ikaanim na representatibo, may pamilyar na pakiramdam sa aking dibdib na naramdaman ko na rin sa mga nakaraang taon na anunsyo: lahat nanaman sila ay pawang mga lalaki. Ito ang pakiramdam ng inaasahang lumbay at hinayang na walang babaeng nakapasok muli. 

Sa paglipas ng taon, ito ay naging karaniwan at inaasahan na. Ang huling pagkakataong lumahok ang isang Pinay sa IMO ay halos isang dekada na ang nakalipas; noong 2014 si Ma. Czarina Angela Lao ay nakakuha ng honorable mention sa kumpetitsyong ito. Sa 35 taong ng ating partisipasyon, sa 119 na estudyanteng kumatawan sa Pilpinas, apat lamang na kanila ay babae. 

Iyan ay halos tatlong porsiyento lamang. 

Anim na taong gulang pa lang ako nang sumali ako sa kauna-unaunahang kong kumpetisyong sa sipnayan noon 2011. Sa parehong taon, si Carmela Antoinette Lao ay napili para sumali sa kanyang huling IMO bago siya nagtapos sa kanyang pag-aaral sa parehong eskuwelahan na aking pinasukan. 

Nakilala noon si Carmela Lao bilang kauna-unahang Pinay na nakakuha ng medalya sa IMO. Makikita siya sa ulo ng pahayagan at mga patalastas ng mga tatak (hal. Jolibee), at ngayon siya’y naging quant trader sa ibang bansa. 

Hindi ko pa masyadong kilala si Carmela noon, at hanggang ngayon, ang alam ko lang sa kanya ay ang mga impormasyon na maaring hanapin sa Google, ngunit gayunpaman, nang malaman ko ang tungkol sa kanya, napaisip ako na baka ako ang susunod na Carmela Lao ng aking henerasyon! 

Noong ako’y sampung taong gulang at marami na rin akong sinasalian na kumpetisyong sipnayan, ang mga lalaking kakumpitensya ko’y puro sina Albert Einstein, Stephen Hawking, at Isaac Newton ang kanilang mga huwaran, at wala akong maisip na sikat o tanyag na babae sa larangan ng sipnayan upang makisali sa kanilang pag-uusap. 

Sa panahong iyon, namulat ako sa agwat ng kasarian na umiiral, hindi lamang sa maliliit na kumpetisyong sipnayan kundi pati na rin sa mas malalaking antas, tulad ng sa mga larangang nauugnay sa STEM. Ang kakulangan ng babaeng representasyon ay hindi agad-agad na nangyayari; sa halip, ito ay nagsisimula at lumalaki sa loob ng ating mga tahanan at silid-aralan. 

Ayon kay Pasquantonio (2016), kahit anuman ang pag-uugali o tagumpay na nakamit ng isang mag-aaral, mas minamaliit ng mga guro ang kakayahan ng mga babaeng estudyante sa larangan ng sipnayan. Bilang resulta ng pagmamaliit, ang epekto nito ay nadadala na rin kahit sa mga tuktok ng klase. Sa unang baitang palang, kumakatawan na ang mga babaeng estudyante ng mas mababa sa isang katlo ng 90th percentile. 

Kapag nagsisimula ang agwat sa murang edad ng pitong taon, malinaw na may mga salik na lumalampas pa ng silid-aralan, kabilang dito ang mga ideyang tradisyonal na patuloy na umiikot sa ating lipunan at kultura. 

Must Read

How an 18-year-old STEM activist is helping close the gender and tech gap in PH

How an 18-year-old STEM activist is helping close the gender and tech gap in PH

Ang isang ulat ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) ay nagsiwalat na, sa kabila ng pagiging mahusay ng mga Pinay sa sipnayan, ang mga lalaki pa rin ang labis na kumakatawan sa mga nangungunahing gumaganap sa halos lahat ng mga rehiyon. Ito ay malamang dahil sa pagkiling ng isang kasarian o mga estereotipo sa kababaihan.

Sa kabutihang palad, may mga paraan para maibsan ang isyu. Ang pagbibigay ng pansin sa mga detalye, tulad ng mga huwaran sa mga silid-aralan at mga larawan na ginagamit sa mga aklat-aralin, ay maaaring gumawa ng makabuluhang pagkakaiba. Ang mga bansang tulad ng Thailand ay nakapagtatag na ng patakaran na nagbabawal ng diskriminasyon ng kasarian sa kanilang silid-aralan upang matiyak na rinerepresenta ang lahat.

Habang ang agwat ng kasarian sa sipnayan ay tila hindi gaanong mahalaga kung ikukumpara sa bigat ng ibang mga isyu sa Pilipinas, gayunpaman, ang puwang na ito ay maliit na larawan sa tunay nitong implikasyon. Makakatungo lang tayo sa isang solusyon para sa mas malawak pa na isyu kagaya ng agwat ng kasarian sa trabaho, suweldo, at maging ang karapatang pantao kung itutuon natin ang maliliit na isyu kagaya nito. 

Sa mga susunod na taon, malabong masasaksihan ko ang susunod na Pinay na lalahok sa IMO, ngunit umaasa ako na sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap, maaari nating bigyang-daan ang normalisasyon ng kababaihan sa sipnayan at sa ibang aspeto ng STEM. – Rappler.com

Si Alexandra Brianne B. Gochian, 17, ay kasalukuyang nag-aaral sa Pamantasang De La Salle bilang Senior High School na estudyante. Siya ay aktibong kalahok sa mga kumpetisyong sipnayan mula pa noong siya ay anim na taong gulang at kamakailan lamang na kinilala ng Senado dahil sa kanyang pagkapanalo sa World Interntional Mathematics Olympiad. Bukod sa sipnayan, sumasali rin si Alex sa mga kumpetisyong agham at pampublikong pagssalita.

]]>
https://www.rappler.com/voices/new-school/opinion-talent-mathematics-nature-nurture/feed/ 0 Audrey pe witech https://www.rappler.com/tachyon/2023/06/new-school-husay-sipnayan.jpg
[New School] Tungkulin ng puso: Pag-aatubili sa hamon ng medisina https://www.rappler.com/voices/new-school/opinion-duty-heart-hesitation-studying-medicine-doctor/ https://www.rappler.com/voices/new-school/opinion-duty-heart-hesitation-studying-medicine-doctor/#respond Wed, 07 Jun 2023 15:32:00 +0800 Isa sa pinakamahalagang yugto sa buhay ng isang Pilipinong mag-aaral ay ang pagpili ng kurso para sa kolehiyo – isang simpleng desisyon na may kakayahang magdikta ng destino ng isang tao. Sa pagbubukas ng mga aplikasyon para sa mga unibersidad, maraming estudyante ang puno ng pananabik para sa kanilang mga pangarap na itinakda na mula pa pagkabata. Ang iba naman ay katulad ko na naglalatag pa lamang ng sariling landas habang sinasalubong ng mga hamon at bagabag hinggil sa hinaharap.

Ambisyon kong pasukin ang dakilang larangan ng medisina. Kilala para sa mapaghamong likas nito, tiyak na kailangan kong maglaan ng oras, lakas, at tiyaga upang makapagtapos at manatili sa taluntong ito. Matinding pagsisikap at pagsasakripisyo ang hinahangad sa mga propesyong medikal, kaya’t lubos kong pinagninilayan kung sapat ba ang aking adhikain upang magpatuloy o kailangan ko pa ng mas malalim na dedikasyon upang magtagumpay.

Ang diwa ng paglilingkod sa kalusugan

Bilang una sa aking pamilya na mag-asam na pumasok sa larangan ng medisina, tila pagtapak sa makabagong teritoryo ang aking pagtanaw sa tunguhing ito. Sapagkat limitado ang aking malalapitan na tagapag-gabay, halos mag-isa kong tinatamo ang pagpili ng aking kurso batay lamang sa aking mababaw na kaalaman sa medisina mula sa aking sariling pag-aaral. Ang aking persepsyon sa paksang ito ay hango rin sa ideyalismong inilapat ng lipunan tungkol sa kanilang propesyon.

Mula pagkabata, nakaukit na sa aking isipan na tinitingala ang mga medikal na propesyonal para sa kanilang pagpupunyagi sa mapaghamong trabaho sa layon na makatulong at makapaglingkod sa pangangailangang pangkalusugan ng mga Pilipino. Gayunpaman, sa aking pagtanda’y namulat ako na ang pasalitang papuri sa kanila ay hindi natatapatan ng pagpapahalaga sa kanilang propesyon pagdating sa kondisyon ng pagtatrabaho.

Subalit marami ang nakapagtatapos ng pag-aaral sa larangan ng kalusugan sa bansang Pilipinas, pinipili ng mga medikal na propesyonal gaya ng mga nars na mag-migrate sa ibang bansa na nag-aalok ng mas mainam na kabayaran at ganansya para sa kanilang propesyon. Sa kadahilanang ito, nagkakaroon ng kakapusan ang ating sariling bansa sa lakas-tao sa medisina.

Bilang isang estudyante, hindi ko mapigilang mag-alinlangan sa pagpili ng kurso sa larangan ng medisina dahil sa mga komplikadong aspeto nito mula sa edukasyon hanggang sa paghahanap ng trabaho. Sa dami ng mapagdadaanan mula pa lamang sa pag-aaral ng mabibigat na siyentipikong konsepto, madadagdagan pa ang aking pagkabahala sa mahirap na pagtatamo ng magandang trabaho sa Pilipinas. Gustuhin ko mang manatili sa aking bansang kinalakihan, ang mga oportunidad sa karera at ekonomiya sa ibang bansa ay tunay na makakatulong sa aking mga hangarin para sa aking pamilya at pansariling tagumpay.

Must Read

[OPINION] 5 thoughts about the Philippine healthcare system

[OPINION] 5 thoughts about the Philippine healthcare system
‘We give the world our best’

Kamakailan lamang, kumalat ang mga balita tungkol sa kasabihang “We give the world our best” na natagpuan sa isang bus sa London kasama ang litrato ng isang Filipino-British na nars na si May Parsons, ang kauna-unahang nangasiwa ng bakuna para sa COVID-19. Bagaman hindi pa umano opisyal ang nasabing tagline ayon sa Kagawaran ng Turismo, maraming Pilipino na ang naglahad ng halo-halong kuro-kuro at hindi pagsang-ayon sa konteksto nito.

Habang marapat na bigyan ng mataas na karangalan ang mga OFWs, kailangan ding harapin ang katotohanan na ang pag-alis ng mga magagaling at dedikadong indibidwal sa ating bansa o “brain drain” ay humihila sa ating ekonomiya at sistema ng pangangalaga sa kalusugan. Ang kinakailangan ng mga Pilipino ay hindi lamang mga salita, kung hindi mga konkretong solusyon at aksyon para sa pagkakaroon ng sapat na trabaho at maunlad na kabuhayan sa bansang kanilang kinabibilangan, sa piling ng kanilang mga pamilya at mahal sa buhay.

Sa murang edad na 16, dala ko ang hinaing at ambisyon ng mga kabataang nangangarap at mga indibidwal na nagpupursigi sa larangang medikal. Higit pa sa aking pansariling suliranin, itinataguyod ko ang pagbabago sa kasalukuyang kalagayan ng empleo sa larangan ng medisina. Ang aking hiling at abela: kolektibong pagpapahalaga para sa dedikasyon ng mga propesyonal sa ating bansa na nagbibigay-kontribusyon sa pagpapanatili ng kalidad ng kalusugan ng bawat Pilipino. 

Sa loob ng aking mausisang isipan, ang tanging umaaligid ay mga katanungan. Ilang destino kaya ang magbabago kung nabigyan ng sapat na suporta ang mga mahuhusay na propesyonal sa ating bansa? Matutugunan kaya ang agam-agam ng ating kapwa? Ilan kaya ang mga batang mangangarap at mananampalataya? Ang mga pagbabagong ito’y masasaksihan ko pa kaya? – Rappler.com

Si Allyson Jann L. Camerino, 16, ay isang mag-aaral ng SHS-STEM sa Pamantasang De La Salle. Siya ay interesado sa papel at tungkulin ng kabataan sa mga panlipunang suliranin, lalo na sa larangan ng agham, medisina, at teknolohiya.

]]>
https://www.rappler.com/voices/new-school/opinion-duty-heart-hesitation-studying-medicine-doctor/feed/ 0 thought-leaders-HEALTHCARE-philippines https://www.rappler.com/tachyon/2023/06/20230608-Pag-aatubili-Hamon-Medisina.jpg
[New School] Konsyumerismo at ang kapaligiran https://www.rappler.com/voices/new-school/opinion-consumerism-environment-lorax/ https://www.rappler.com/voices/new-school/opinion-consumerism-environment-lorax/#respond Thu, 01 Jun 2023 14:28:07 +0800 Napanood ko muli ang pelikulang The Lorax kamakailan lang. Napagtanto ko na ang mensahe ng pelikula ay para sa lahat. Ipinakilala nito ang ideya ng konsyumerismo at ang epekto nito sa kapaligiran sa paraan na maiintindihan ng isang bata. 

Ako’y nabighani sa kung paano inilarawan ng pelikula ang mass production at ang pagkonsumo. Ang Once-ler, ang karakter na gumawa ng Thneed, ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaroon nito. Nakumbinsi naman ang mga hayop na gumamit nito. Sa kasalukuyang sitwasyon sa pelikula, kung saan kulang ang mga likas na yaman, at oxygen sa bote ang paraan upang makahinga, hindi ko na nakita ang Thneed. Napagtanto ko na ang bagay na ito ay ginawa nang maramihan, ginamit ng karamihan, dahil sa mahusay na pagpapatalastas nito. 

Habang hindi ko naman maitatanggi na ang ibang mga bagay ay talagang makabuluhan ang gamit, karamihan sa ibang mga binibili ko nang biglaan ay hindi. Kasama na rito ang mga sobrang muwebles, dekorasyon, at mga trinkets na nakaaakit. 

Ang mas nakatatakot pa rito ay ang Once-ler, na nagdulot ng pagkasira ng kapaligiran, ay iisang tao lamang. Sa mundo, libo-libong kumpanya ang nagsisilbing mga Once-ler. Kaya hindi nakapagtataka na tumataas ang lebel ng tubig sa dagat, lumalakas ang mga bagyo, at nawawalan ng mga tahanan ang mga hayop. Malungkot ang mundong ipinakita sa The Lorax; hindi tatagal, maaaring iyon na rin ang kapalaran ng ating mundo. 

Napansin ko na ang mga patalastas ngayon ay pabuti nang pabuti sa pagkumbinsi na kapag binili ko ang damit na ito o magkaroon ako nitong bagong produkto, ay mas magiging masaya ako, na ito ang susi sa aking kaligayahan. Ito ang nagdulot sa aking walang katapusang paghahabol sa kung ano ang bago. Pero nang magtagal, napagtanto ko na hindi na ako makontento kahit ano ang bilhin ko. Totoo na ang pagtangkilik ng mga produkto ay nakabubuti para sa ekonomiya, ngunit mapangib ito sa ating mga ipon at sa kapaligiran. 

Ang patuloy at walang hanggang proseso ng pangangailangan, pag-upgrade, pagpalit, at pagtapon na ginagawa ng karamihan ng populasyon ay isang malalang problema. Habang mukha naman itong kaugnayan sa pagitan ko, na mamimili, at ng kumpanya, sa likod ng lahat ng ito, ang higit na naaapektuhan, ay ang kapaligiran. 

Para mabili ko ang mga produktong nakalatag na sa harap ko, ang mga yaman sa loob ng planeta ay kinukuha upang magawa ang produkto, at mga iba’t ibang uri ng transportasyon ang ginagamit upang ipamahagi sila. Kapag nakuha na ang produkto, itatapon ko na ang balot nito. Kapag naman dumating na ang panahong nabigyang-kasiyahan na ako ng bagay na iyon at hindi ko na ito kailangan, itatapon ko na rin ito. Lahat ng iyon ay napunta lamang sa mga landfill, idagdag na ang polusyon na naidulot nito para lamang magawa at maipamahagi ang produkto. 

Must Read

‘More likely than not’ world will soon see 1.5°C of warming – WMO

‘More likely than not’ world will soon see 1.5°C of warming – WMO

Ang fashion industry ay isa sa mga nag-aambag sa ating napapabayaang kalikasan. Ayon sa UN Environment Program (UNEP), ang industriyang ito ay ang pangalawa sa pinakamalaking konsyumer ng tubig at nag-aambag ng 8% ng carbon emissions kada taon. Nawawalan rin ito ng bilyon-bilyong dolyar na halaga kada taon dahil sa pagpapabaya sa recycling. Ang ibang mga damit ay napupunta lamang sa mga landfill bago pa ito maibenta. Ito ay isang banta dahil matagal mabulok ang tela at naglalabas ito ng mga mapanganib na kemikal sa lupa. Isa lamang ito sa daan-daang iba pang industriya na tinatangkilik ko dahil sa kanilang impluwensya. 

Sa pagbanggit nang lahat ng iyon, napaisip na lamang ako kung ano ang sunod na hakbang upang mapabuti ang kasalukuyang sitwasyon. Ang decoupling o ang pagpapaunlad ng zero-carbon na teknolohiya para makisabay sa demand ng lipunan ay hindi sapat. Noong 2009, ang South Korea ay naglaan ng bilyon-bilyong dolyar para sa kanilang green growth projects, ngunit ilang taon ang lumipas, ito’y nabigo dahil tumaas pa rin ang kanilang carbon emissions. Ang produksyon ng enerhiya ng kanilang renewable resources ay mas mababa kaysa sa bilis ng pagkonsumo ng mga tao. 

Tinignan ko na lamang sa indibidwual na lebel. Sa papel nina Millward-Hopkins et al., sinabi nila na ang pagkonsumo ng enerhiya ng mundo ay maaaring mapapaba sa lebel ng pagkonsumo noong 1960s habang napapanatili ang disenteng pamumuhay para sa lahat kung ang mga zero-carbon na teknolohiya ay maipapamahagi sa lahat – ito ay ang papel ng gobyerno at mga kumpanya. Sa akin naman, ay kung mapapababa ko ang aking pagkonsumo at pagbili ng mga produkto. 

Ang pagbili ng mga kadamitan na matagal na masusuot, hindi pag-upgrade sa bagong teknolohiya kada taon, pag-iwas sa mga media at patalastas, at pag-isip muna nang mabuti tungkol sa isang bagay na bibilhin ay isa sa mga paraan para mapababa ang aking antas ng pagkonsumo. Ang pag-intindi na kapag kaunti ang aking mga kailangan, at mas lalong kaunti ang aking mga kagustuhan, mas mapadadali ang malagong pagbabago patungo sa isang mas maunlad na mundo. – Rappler.com

Si Porsha Gabrielle G. Sy, 17, ay isang mag-aaral ng SHS-STEM sa Pamantasang De La Salle. Siya ay sumusuporta sa mga organisasyon na adbokasiya para sa kapaligiran at mahilig manuod ng mga dokumentaryo ukol sa kalikasan.

]]>
https://www.rappler.com/voices/new-school/opinion-consumerism-environment-lorax/feed/ 0 Argentina’s drought-hit fields, billion dollar losses and farmers going under DROUGHT. Dried sunflowers are seen on a farm, amid Argentina's worst drought in 60 years, in Tostado, northern Santa Fe, Argentina, February 8, 2023. https://www.rappler.com/tachyon/2023/05/20230601-pansamantalang-nabighani-habangbuhay-panganib.jpg
[New School] Regrets and redemption: Notes of a pandemic-time, graduating college senior https://www.rappler.com/voices/new-school/opinion-regrets-redemption-notes-graduating-college-senior/ https://www.rappler.com/voices/new-school/opinion-regrets-redemption-notes-graduating-college-senior/#respond Sun, 28 May 2023 11:51:06 +0800 I have always been a fast walker — sparing no patience for people who block school corridors by taking their sweet time. Whenever I’d run into big groups of people obstructing my path, I’d quietly groan and mumble a quick, “Excuse me,” as I prepared to overtake them. I’d even walk ahead of my friends when they couldn’t match my pace while en route to our next class. 

I went to school, attended my classes, and went home right away to avoid running into traffic. I knew I had three more years ahead of me on campus, so I had never really exerted effort into staying in school a little past my dismissal time to hang around. I was complacent. 

This is what my first semester in college was like in 2019. 

Misplaced priorities

Even when the COVID-19 pandemic cut my freshman year short, I didn’t really think I’d miss out on anything. “A two-week break!” I happily thought to myself when I read the school memo announcing the suspension of classes. “More time for me to rest and complete my pending tasks, then.” 

Besides, two weeks wasn’t much of a loss considering that I still had three years to make the most out of my college experience. I took advantage of this short bout of freedom, until two weeks unknowingly turned into months, then years. Before I knew it, I was a college sophomore completing a chunk of my degree online. 

To distract myself from the uncertainty of being able to fulfill my dream college experience, I ended up dedicating all my time to my academics. I studied, studied, and studied – ignoring my upperclassmen’s advice to join student organizations. 

Reclaiming lost time

While I had stellar grades, though, there was still a numbness I struggled to rid myself of. So, in my junior year in 2021, I joined my first-ever student organization as a sports writer for the student publication. It was a major 180-degree turn from the freshman me who had been apathetic toward campus athletics. Little did I know, it would be the exact stepping stone I needed to catch up on making my college life worthwhile. 

I started seriously immersing myself in the world of college sports, and in turn, general campus culture as well. I made it a point to actually attend org events, even though they were all held online. With all the fun I had then, the regret finally started to kick in. 

Why had it taken me so long to put myself out there? 

Suffice it to say, what many others got to experience in freshman and sophomore year, I was only beginning to experience as a junior. I had failed to make college the best four years of my life. 

And so I took full advantage of the resumption of face-to-face classes in my senior year. I felt like a video game character embarking on an extremely time-sensitive quest to somehow cram into two semesters everything I had missed out on for the past three years. 

Despite my past intolerance for traffic jams along the narrow hallways in school, I started walking slowly on campus to bask in the scenery I had taken for granted. I even went from always taking the shortest paths to now walking the longest routes I could. 

Org events also became my go-to avenue to unwind, even if I usually ended up having to go home late. Pre-pandemic, I would always leave campus early to avoid rush hour. Now, I’d willingly sit through hours of traffic if it means getting to be in school for longer. 

The way forward

As someone who is now just waiting to graduate, I honestly can’t help but envy the current set of freshmen. Wide-eyed, they get to experience the complexity of college life in its entirety. Although I wish I could have a do-over, all that’s left to do now is to give advice to underclassmen. 

Even if you’re used to walking briskly, go out of character every once in a while. Walk slowly to take in the breathtaking views that the campus has to offer. 

Show up more often. Take your friends up on their offers to watch UAAP games — even for sports you know nothing about. Accept those hangout invites you’ve gotten so used to turning down for the sake of your academics. 

Of course, don’t be afraid to try new things. Join that org whose application process has always intimidated you. Buy food from a different cafeteria stall for a change. Volunteer to be the class beadle. Line up for those men’s basketball game tickets in the wee hours of the morning.

You’ll only realize when you’ve reached the finish line that these seemingly trivial in-betweens are what you’ll remember most when you say goodbye to student life for good. 

Etch these notes in your mind so that when you wrap your college life up in a few years’ time, you’ll do so with absolutely no regrets. – Rappler.com

Juno Reyes is a graduating Communication major from the Ateneo de Manila University. 

]]>
https://www.rappler.com/voices/new-school/opinion-regrets-redemption-notes-graduating-college-senior/feed/ 0 https://www.rappler.com/tachyon/2023/05/regrets-redemptions-notes-may-28-2023.jpg
[New School] Life hacks for Rappler interns and volunteers (Taylor’s Version) https://www.rappler.com/voices/new-school/opinion-life-hacks-rappler-interns-volunteers-taylors-version/ https://www.rappler.com/voices/new-school/opinion-life-hacks-rappler-interns-volunteers-taylors-version/#respond Thu, 18 May 2023 13:44:51 +0800 Rappler hadn’t been a dream of mine. But I remember standing on the sidelines, feeling envious as I watched students my age become campus journalists. Journalism hadn’t been a dream, either. I just wanted to never stop writing and felt journalism was the closest thing to doing that. However, having zero experience in journalism despite being a graduating Communication Arts student caused my desire for it to falter — to slip away until I was convinced it wasn’t mine to keep.

If I hadn’t gained enough prowess and training, where would I end up after college? What lay ahead had me feeling an overwhelming sense of dread and inferiority. Seeing my campus journalist friends stay up late to write articles and go out of their way to cover school events had me wallowing in what-ifs. What if I had enrolled in a different university? What if I had been confident enough to join publications outside the school premises? What if I never make it? 

Drowning in what-ifs and with only a dwindling passion for journalism, I applied to Rappler’s internship/volunteer program, hoping for the best while expecting nothing. A few weeks later, I passed the application. From then on, things changed. The walls I put up to hold myself back fell down.

Working alongside spirited and uncompromising individuals who mirrored my purpose allowed me to see journalism in a different light. Understanding what it meant to view communities as a group of people with stories to tell made me appreciate the depth of journalism. And as I encountered all my firsts in Rappler, I began to realize that journalists do more than just break the latest news; they also magnify small communities by providing them with platforms where they are empowered to tell their stories. 

Of course, the ride wasn’t easy for a beginner like me! Entering the newsroom with little knowledge and zero practical experience in journalism had me walking on a tightrope. But I survived! 

Here’s how I did it:

1. Volunteer head-first, fearless

“Jump then fall!” was my mantra each time I called dibs on tasks I had never done before. I had never written a feature article yet, but I volunteered anyway. I was apprehensive about covering an event and conducting interviews due to being inexperienced, but I did it nevertheless. Speaking in front of the camera wasn’t my strong suit, but there I was in the production room, being someone I once thought I couldn’t be. 

Taylor Swift once said that being fearless is not “not having fears.” Rather, being fearless is having a lot of fears, but jumping anyway. By being a Rappler intern and witnessing first-hand how journalists fulfilled their roles, I could tell that many things scared them, too. Even so, they hold the line every day. 

My takeaway? Be afraid and unsure, but don’t let it stop you.

2. You’re on your own kid

I had a hard time adjusting at Rappler, particularly as an intern with nothing up her sleeves but dreams and dreads. Rappler is a thriving newsroom that encourages its interns and volunteers to work independently – and when I say independently, there was no spoon-feeding.

I can still recall trying to figure out how to frame the angle of my article and how I had to rack my brain over and over again just to understand what it meant to have a specific lens before writing the story. As someone who had already forgotten the lectures in her Introduction to Journalism classes shortly after exams, I had no idea how to construct my piece. Luckily, although working independently for the most part, my supervisors still guided me along the way. (They’re the best people to work with when you’re young and still learning!) 

Doing things alone will make you vulnerable to making mistakes. I had made mistakes, but working in an environment like Rappler made me value their importance and motivated me to keep going regardless. However, while mistakes are unavoidable over one’s lifetime, they can affect real lives, and given all the trolls watching our every move, one wrong, tiny error could put the media outlet at a great disadvantage. 

How will you know the right thing to do in the newsroom? You won’t.

The scary news is: you learn on your own now. 

The cool news is: you learn on your own now! 

 3. You are what you love

Like Taylor, everything we do is an extension of our writing. Everything is connected by our “love of the craft, the thrill of working through ideas and narrowing them down, and polishing it all up in the end.”

Rappler contributes so much to society, so I felt that I needed to contribute something significant, too. And by significant, I meant writing about the biggest and most controversial stories. However, this meant that I had set aside writing about the things that defined me, the things I was passionate about. That shouldn’t have been the case.

MovePh taught me a lot, but one lesson that stands out, in particular, is “Go back to your roots.” The things we love doing and the people who love the same things we love are a community, and we can write about them because they, too, matter. So always go back to the things you love and focus on the community within your reach. Magnify their stories and put their voices out there — that is the essence of journalism. 

To all of Rappler’s new interns and volunteers, let me say to you now: Welcome to Rappler. It’s been waiting for you. — Rappler.com

Joan Alindogan is an AB Communication Arts student studying at Trace College Inc. She was a Mover from February to April 2023. 

]]>
https://www.rappler.com/voices/new-school/opinion-life-hacks-rappler-interns-volunteers-taylors-version/feed/ 0 https://www.rappler.com/tachyon/2023/05/interns-rappler.jpg
[New School] Gaano ka-taxing ang tax? https://www.rappler.com/voices/new-school/opinion-how-taxing-tax/ https://www.rappler.com/voices/new-school/opinion-how-taxing-tax/#respond Sun, 02 Apr 2023 12:22:44 +0800 “Kamille! Pa-print ng mga pinadala sa email mo,” ang bungad sakin ng nanay ko kaninang umaga. At upang tumigil ang alarm na higit na mas mabisa sa aking selpon, agad akong bumangon at hinanap ang aking laptop. 

Tampok sa aking almusal sa araw na ito: anim na income tax return forms at mga dokumentong naglalaman ng mga guidelines mula sa BIR website, kalakip ang  mensahe na “three copies each.” Sarap.  

Bayaran na naman ng buwis o tax season kung tawagin — ang panahong gumigising ng maaga ang aking mga magulang para asikasuhin ang mga dokumentong kailangan. Hanap resibo rito; pindot sa calculator doon. Minsan nakakailang pabalik-balik pa nga sa BIR. 

Kaya kung tutuusin, masarap nga. Masarap ang buhay ko dahil pag-print lamang ang kailangan kong asikasuhin…sa ngayon. Habang patuloy na sumusuka ang printer  namin, sinubukan kong basahin ang ilan sa mga dokumento. Bilang mag-aaral ng accountancy, maraming terminong pamilyar sa akin; ngunit dahil iba ang tinapos na digri ng aking mga magulang, may mga bahaging hindi nila lubusang maintindihan. Dahil dito, tinutulungan ko sila sa pag fill-up ng mga forms.  

Gayunpaman, minsan bigla kaming mapapatanong: “Paano kung ganito? Pwede ba ganiyan? Kailan ba ‘yon? Kasama ba ‘yan?” Dahil dito, hindi ko maiwasang isipin na maaring maraming pangkaraniwang mamamayan na self-filers na nalilito, lalo na kung hindi sila na-eexpose sa mga ganitong bagay. Idagdag pa natin dito ang kamakailang  implementasyon ng TRAIN Law na nagbago ng nakagawiang tax rates. 

Oo, maaaring kumonsulta sa accountant — kung may sapat kang pambayad. Maaari rin namang pumunta sa BIR website at sundan ang mga downloadable PDF guidelines na hango sa Memorandum Circular — basta ba’t nakakaunawa ka ng Ingles. Pwede rin namang gumamit ng mga e-BIR forms na awtomatiko na ring nagkakalkula ng babayaran — basta ba’t maalam ka sa kompyuter. Ngunit sapat na ba ang mga ito? Madalas nating naririnig na, “Ignorance of the law excuses no one.” At ano pa nga ba ang solusyon kung hindi EDUKASYON. Kung kaya’t hudyat na siguro ito upang suriin ang kurikulum, upang mabigyang-pansin ang pagturo ng mga mahahalagang kasanayan bilang mamamayan ng Pilipinas. Hindi pa ba ito maituturing na isa sa mga essentials sa panahon ngayon?

Kung obligasyon nating magbayad ng buwis, hindi ba’t obligado rin ang pamahalaan na gawing accessible ang proseso nito? Pilit man nating intindihin, matatawag pa rin ba tayong ignorante kung may pagkukulang din sa mismong sistema? 

Ayon sa OECD Revenue Statistics report, ang buwis ay bumubuo sa 17.8% ng GDP ng Pilipinas noong 2020, mas mababa sa average ng rehiyon ng Asia-Pacific na 19.1%. Bagama’t ang personal income tax ay bumubuo sa 15% ng kabuuang kita ng bansa, ayon sa balita, humigit-kumulang 500 bilyong piso pa rin ang nawawala sa gobyerno dahil sa tax evasion. Maaaring sanhi rin ito ng pagpapaliban ng iba sa pahirapang pag file dahil sa kakulangan sa kaayusan at kalinawan ng sistema.  

Bukod dito, kung ang karaniwang mamamayan ay inaaasahang magbayad nito, hindi ba’t higit na inaasahan ang mga nanunungkulan na sumunod sa mga panukalang ipinapatupad nila?  

From Our Archives

Marcos endorses BIR campaign to pay ‘correct’ taxes but mum on family’s P203-B estate tax

Marcos endorses BIR campaign to pay ‘correct’ taxes but mum on family’s P203-B estate tax

Kung isasaalang-alang ang pinaghirapang kita, oras, at gastos na ginugugol ng isang indibidwal, una, upang kumita ng pera, at pangalawa, upang makapagbayad ng buwis, hindi naman makatarungan kung may mga hindi sumusunod. Lalong hindi katanggap-tanggap na mauuwi lang sa iilang bulsa ang perang dapat ikaaangat ng ating ekonomiya. Sarap. May mas sasarap pa pala sa buhay kong taga-print. 

Kung ang kamangmangan sa batas ay hindi katanggap-tanggap na dahilan, bakit tila maraming paraan ang kapangyarihan, este…makakapangyarihang paraan, upang makalusot. Kung edukasyon ang susi, bakit ang sapat na kaalaman ay tila sanhi rin kung bakit may nakakalusot?

Patunay ito na maraming ibang suliranin na dapat pagtuunan ng pansin. Hindi ako tutol sa pagsupply ng itinuturing na lifeblood ng gobyerno. Walang naman talagang kaso kung tayong mga Pilipino rin ang makikinabang dito. Pero nararapat lang na lahat ng dapat sumunod ay nakakasunod (o mapasunod). 

Sa huli, ang sistema ng buwis ay hindi lamang sukat ng halagang binabayad, pero sukat din ng integridad. 

Pagdating sa usaping-buwis, isaalang-alang natin ang mga taong binubuwis ang lahat. – Rappler.com

Si Kamille Daquinag, 23, ay kasalukuyang nag-aaral ng BS in Applied Economics, Major in Financial Economics at BS in Accountancy sa Pamantasang De La Salle. Ang kanyang tesis sa ekonomiks ay ginawaran ng Outsanding Thesis Award.

]]>
https://www.rappler.com/voices/new-school/opinion-how-taxing-tax/feed/ 0 C3C56B34-F217-4C7F-9E55-60F0CA29C83D BIR TARGET. President Marcos attends the BIR’s kickoff of its 2023 tax campaign kick off. https://www.rappler.com/tachyon/2022/06/shutterstock-tax-payment-phone.jpg
[New School] Kasalanan mo ‘yan https://www.rappler.com/voices/new-school/opinion-this-your-fault/ https://www.rappler.com/voices/new-school/opinion-this-your-fault/#respond Thu, 23 Mar 2023 16:28:06 +0800 Ilang beses na ba nating nasabi ang mga katagang “Kasalanan mo ‘yan,” “Ikaw kasi eh,” at iba pang paninisi? Bawal nga bang magkamali? Bawal nga bang magbago? Maaaring pwede, pero kung paulit-ulit na, matatanggap mo pa nga ba? 

Ang daming mga negatibong nangyayari ngayon sa Pilipinas simula noong matapos ang eleksyon. Isang pahayag galing sa isang jeepney drayber ukol sa pagtanggal ng mga lumang jeep ay nakakuha ng aking atensyon. Isa sa sinabi sa kanya ng kanyang anak ay ang katagang, “Eh kasi binoto-boto ‘nyo si Bongbong.” 

Malapit sa akin ang paksa tungkol sa jeepney dahil isa sa mga napektuhan ay ang aking lolo at lola, na dating nagmamaneho ng jeepney at nagkonduktor. Napag-aral nila ang kanilang mga anak dahil dito, at labis ang lungkot na nadama ng aming pamilya noong nakaraang taon dahil kailangan nang ibenta ang sasakayan. Ang sakit isipin na matapos ang ilang taong dugo at pawis, bigla nalang kailangan ibenta ang jeepney, at sa maliit na halaga lamang.

Marami pang ibang Pilipino ang mas lalong pinapahirapan ng kasalukuyang sitwasyon. Nararapat lamang na bigyan ng patas at sapat na suporta ang mga jeepney drayber para sa isinusulong na pagbabagong ito. Sana sa pag-unlad na nais marating ng gobyerno ay hindi nila iiwan ang mamamayang Pilipino. 

Isa na rin sa mga nangyari ay ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin, ngunit hindi naman tumataas ang sweldo ng ating mga manggagawa. Nakakalungkot ang mga pangyayari, ngunit para sa iba ay inasahan na ang mga ito. 

Alam ko at alam nating lahat na masarap nga sa pakiramdam ang mapatunayang tama ka at magsabi ng mga katagang, “Sabi ko na sayo eh,” o sa Ingles ay “I told you so.” Pero sa panahong marami ang naghihirap at tila nagsisisi na rin ngayon, dapat pa nga ba natin itong unahin? 

May kamalayan ang nakararami kung gaano kadali na lang ngayong magpahayag ng sariling opinyon, reaksyon, at iba pa. Gayunpaman, huwag nating hayaan na dahil sa kalayaang magpahayag, nakakalimutan na nating maging maingat. Sa halip na sabihan natin sila ng “Dsurv,” “Kasalanan mo ‘yan,” “Binoto niyo diba,” at iba pang mga salitang maaaring makita sa social media na tila mayroong gustong ipamukha, ay lalo pa natin silang tulungan upang mas mamulat sa mundong kanilang ginagalawan, at hindi na ulitin ang mga pagkakamali ng nakaraan. 

Huwag nating kalimutan na hindi tayo pantay-pantay ng estado sa buhay at hindi lahat ay nakatatanggap ng tamang impormasyon. Ang iba naman ay sadyang labis na umasa sa mga pangakong tila pakonti-konti nang napapako, at mga paulit-ulit na bumoboto sa “basta sikat” na politiko.

Payag ba kayo na tila mas mataas pa ang mga pamantayan niyo sa Miss Universe kaysa sa hihirangin niyong mamumuno ng bansang ito? Posible rin kayang hindi lang jeepney ang kailangan ng modernisasyon, kundi pati na rin ang pag-iisip ng ibang tao? 

Nawa’y magsilbing aral ito para sa lahat at huwag basta-basta maniniwala sa mga pangakong madaling sabihin at mahirap gawin. Matuto na sana ang mga mamamayan na sa unang “red flag” palang, tulad sa relasyon kung tawagin, ay pansinin na at huwag nang palampasin. Hindi dapat natin sarilihin ang kaalaman na nakalap natin at huwag din tayong mahiyang magtanong at maging mausisa para sa ikabubuti ng bayan natin. 

Isa sa mga sikat na sinabi ni Jim Rohn ay, “Your life does not get better by chance, it gets better by change.” Hindi raw gumaganda ang buhay kapag nagkataon lamang, kundi gumaganda ito dahil sa pagbabago. 

Hindi masama ang pagbabago, at lalong hindi masama ang pagkakamali. Alam ko rin na nakakasawa nga naman na ginawa mo na ang lahat ngunit hindi pa rin sila nakinig, ngunit wala rin tayong mapapala kung ang kapwa Pilipino na parehong gusto ng magandang kinabukasan ay ang siya ring nagbabangayan kaysa magtulungan. Sa kabila ng lahat ng diskurso at hindi pagkakasundo, sana ay huwag nating hayaan na ito ang sumira sa dating bayanihan ng taong bayan. – Rappler.com

Si Elicha Angel Marie E. Caber, 20, ay kasalukuyang nag-aaral ng Batsilyer ng Agham sa Biyolohiya, Pangunahin sa Biyolohiyang Medikal sa Pamantasang De La Salle. Siya rin ay nagtapos ng may karangalan sa Mataas na Paaralang Pang-agham ng Lungsod ng Taguig.

]]>
https://www.rappler.com/voices/new-school/opinion-this-your-fault/feed/ 0 https://www.rappler.com/tachyon/2023/03/new-school-1-1.jpg
[New School] Mga beauty pageant sa harap ng modernong lipunan https://www.rappler.com/voices/new-school/opinion-beauty-pageants-face-modern-society/ https://www.rappler.com/voices/new-school/opinion-beauty-pageants-face-modern-society/#respond Wed, 22 Mar 2023 13:03:39 +0800 Kamakailan lang ay pinili ng ilang bansa na huwag nang sumali sa Miss Universe Organization (MUO). Banggit na rason ng ilan ay hindi na tugma ang mga interes at layunin nila at ng MUO. Bagama’t maaari itong maiugnay sa bagong may-ari at mga pagbabagong kaakibat nito, hindi maikakaila na maaaring sumunod na umalis ang ibang natitirang bansa sa MUO. At sa pag-alis nila sa Miss Universe, gaano katagal bago magdesisyon ang lipunan na hindi na nila nakikita ang punto sa pagsali sa iba pang  beauty pageant? 

Malabo naman siguro ito mangyari sa Pilipinas. Parang hindi nawawala ang pageant fever sa isang bansa tulad ng Pilipinas kung saan halos lahat ng mamamayan, matanda man o bata, ay tumututok sa kanilang telebisyon tuwing mayroong nagaganap na pageant. 

At hindi nakagugulat ang pagkahumaling ng mga Pilipino sa beauty pageants, sapagkat ang pageantry ay mayroong mayamang kasaysayan sa Pilipinas. Opisyal na nagsimula ang mga beauty pageant sa Pilipinas sa Manila Carnival noong panahon ng mga Amerikano bilang mahikayat na pumunta rito ang mga banyagang turista. Subalit bago pa magkaroon ng Manila Carnival ay mayroon nang Flores de Mayo at  Santacruzan, ebidensya na matagal na at patuloy ang paghanga at pagpapahalaga ng Pilipino sa mga pageant.  

Gayunpaman, hindi lihim na tayo, bilang isang lipunan, ay kasalukuyang naglo-lobby para sa higit na inclusivity at representasyon sa kung ano ang nakikita natin sa  telebisyon. Hindi rin maikakaila na tila unti-unting nawawalan ng pwesto ang mga beauty  pageant sa lipunang gusto nating likhain. Saan nga ba ang lugar nito sa mabilis na pagbabago ng mundo? 

Hindi ito nangangahulugan na walang mga pagbabago na ginawa upang matugunan ang mga panawagan para sa pagpapabuti. Noong 2021, tinanggal ng Miss Universe Philippines ang requirement na ang tangkad ng isang kandidata ay dapat 5’4”.  Ito ay nagbigay ng oportunidad sa mas marami pang babaeng nangangarap sumali rito. Higit pa rito, pinapayagan na rin lumahok sa Miss Universe ang mga ina, byuda, at may asawa. 

Must Read

The Philippines’ beauty pageant obsession: Who benefits?

The Philippines’ beauty pageant obsession: Who benefits?

Mapapansin din na sa kasalukuyan, nagsisimula nang mas maging focused ang mga pageant sa adbokasiya ng mga kandidata. Tulad ng naunang nabanggit, maraming tao ang tumututok sa mga ito. Dahil sa malawak nitong abot, isa itong magandang plataporma para sa mga mensahe tungkol sa mga isyu at adbokasiya.

Hindi maitatanggi ang mga pagsisikap ng mga organizer na panatilihing nakakasabay sa panahon ang mga patimpalak. Gayunpaman, sapat na ba ito? Oo at hindi. 

Aminin man o hindi, sa huli, ang napapansin ng mga tao ay ang kung ano ang kumikislap at kumikinang. Sa mga kaswal na manunuod, ang beauty pageants ay tungkol at para lamang sa mga magagandang babaeng pinagpala rin ng katalinuhan. Marahil ito ay isang magandang pagkakataon upang mahasa ang mga kasanayan at bumuo ng adbokasiya, ngunit hanggang nananatili ang mga stereotype tungkol sa beauty  ageant, patuloy itong nanganganib. Kung hindi mababago ang negatibong imahe ng beauty pageants sa masa, unti-unti itong mabubura sapagkat magmumukha itong walang lugar sa modernong lipunan. – Rappler.com

Si Iris Angelica Joven, 20, ay kasalukuyang nag-aaral ng Bachelor of Science in Biology, major in Medical Biology sa Pamantasang De La Salle. Habang ang karamihan sa kanyang mga interes ay nasa larangan ng agham, interesado rin siya sa ebolusyon ng fashion at beauty standards.

]]>
https://www.rappler.com/voices/new-school/opinion-beauty-pageants-face-modern-society/feed/ 0 TAIWAN PHILIPPINES FESTIVAL https://www.rappler.com/tachyon/2023/03/20230322-beauty-pageant-modernong-lipunan.jpg
[New School] Tungkol sa pagmamahal ng bawat magulang https://www.rappler.com/voices/new-school/opinion-love-parents-overseas-filipino-workers/ https://www.rappler.com/voices/new-school/opinion-love-parents-overseas-filipino-workers/#respond Tue, 21 Mar 2023 12:33:30 +0800 “Dati bilog ka lang.”

Ito ang palagiang sambit ni Papa sa akin tuwing naaalala niya ang aking batang sarili. Mababalikan at makikita sa mga dating litratong kinuha niya. Ako ang paksa ng larawan, ang napakalusog na bersyon ni Dora. Tulad niya, kung saan-saan ako napapadpad, ngunit noon ay idinadaan at ipinapakita ko ito sa paglikha ng sining gamit ang makukulay na  krayola. Ang naging paborito kong guhitin para kila Mama at Papa ay ang aming family picture kahit stickman lang ito. Tulad ng kagustuhan kong gumuhit para sa kanila, sila rin dedikadong nagsasakripisyo para sa amin ni Kuya. Mula noon at hanggang ngayon, ang nangunguna sa aming isip ay ang isa’t isa. Ang bawat itinatahak na hakbang ay para sa pamilya. At isa sa naging pinakamalaking hakbang ay ang pagiging OFW ni Papa. 

Noong Mayo 2010, dumating ang araw ng unang pag-alis ni Papa. Hinatid namin siya sa airport kasama ang halos buong angkan. Damang-dama ang iyak ng kalungkutan, ngunit sinusubukang magpakatatag at tumahan. Sa kanyang pagdating sa ibang bansa, iilang beses sa isang linggo lamang kami nakapag-uusap gamit ang sinaunang Skype at Facebook. Hindi ko man naramdaman ang pagkukulang ng teknolohiya noon, pero higit pa ito sa sapat noong panahong iyon. Maraming kwento sa amin si Papa tungkol sa kanyang mga bagong karanasan sa ibang bansa. Sa kabila ng pagsubok, ni minsan ay hindi siya nagreklamo dahil alam niyang lahat ng kanyang sakriprisyo ay para sa amin. Bilang anim na taong gulang, naipaliwanag sa akin at naintindihan ko rin na kailangan nila Papa magtrabaho, kaya inatupag ko nalang kung anong dapat kong gawin, ang mag-aral nang mabuti. Kaya, hindi ko namalayan ang lungkot noong unang taon na wala si Papa. 

Ang pinakanangingibabaw sa aking alaala ay ang sorpresa ng kanyang unang pag-uwi. Ako ay sinikmura dahil sa nakalululang tuwa. Laking gulat sa akin na nakauwi siya para masabit ang aking akademikong medalya. Simula niyan, doon ko naramdaman ang pag-iwan sa akin ni Papa. 

Binalot ng lungkot ang bahay sa kanyang pangalawang pag-alis, at nasundan ito ng ilan pa. Mga ilang selebrasyon na walang litrato kuha at kasama si Papa. Ang tanging kasama sa family picture ay ang selpon na hawak-hawak ang mukha niya. Mga ilang sining at proyekto na hindi ko naipakita sa kanya. Hanggat sa tumanda na ako at nagkaroon ng ibang pinagkakaabalahan at libangan. Mga ilang pagtulog na hindi ko mayakap nang magkasama sila Mama, at hindi namin marinig ang malakas na paghilik ni Papa. 

Sa bawat taon na lumipas, nagkaroon naman ng seguridad at katahimikan ang buhay namin. Nakapagpundar sila Mama para sa komportableng bahay, magandang sasakyan, at iba pa. Habang wala si Papa, kami ni Kuya ay lumaki na, at sumabay din ang aming pangangailangan bilang  pamilya. Kaya gaano man kahirap ang mapalayo, itiniis ni Papa ang bawat araw nito para sa ikagiginhawa ng aming buhay. Lahat nga naman ng magulang ay naghahangad ng magandang  kinabukasan para sa kanilang mga anak. Dahil sa kawalan ng trabaho sa Pilipinas, marami ang naghahanap ng trabaho sa ibang bansa. Ang karagdagang kita ay nakapagbibigay-seguridad para sa edukasyon ng mga anak, mga medikal na gastos, at iba pang mahahalagang pangangailangan. Kaya kahit mahirap ang mangibang-bansa, nagiging magandang oportunidad ito para tugunan ang pangangailangan ng pamilya. Ito ang isinasaisip ng mahigit isang milyong Pilipinong nagiging OFW, kasama na si Papa. 

Habang ako naman ay laging napapaisip noon, ano kaya ang naging buhay ko sana kung hindi umalis si Papa? Ang daming posibleng nangyari at hindi ko na ito mabibigyan ng kongkretong detalye pa. Ang iniisip ko nalang ay ang naging bunga nitong landas na pinili nila. 

Must Read

‘Gone in a snap’: OFW families bear brunt of weak peso

‘Gone in a snap’: OFW families bear brunt of weak peso

Matapos ang limang taong pagtratrabaho sa ibang bansa, nakauwi si Papa noong Mayo 2015. Ang paglalakbay niya bilang OFW ay totoong hindi naging madali, ngunit ito ang nagturo sa amin ng kahalagahan ng pagpupursigi, pagtitiyaga, at pagsasakripisyo. Kung wala ito, hindi namin ganap na matatamasa ang nagbungang magandahang hinaharap. Sa aming mga sariling paglalakbay, ang bawat pagsubok ay patuloy naming pagtatagumpayan, at hindi namin ito haharapin nang mag-isa. Sa hamon ng buhay, kahit anong landas pa ang aming piliin, alam namin na ang pamilya ang nandiyan lagi at mananatili. Kahit man magkaroon ng mga hadlang, ibinubuo kami ng pagmamahal at pagsuporta nila Mama at Papa. 

Siguro nga kinailangan dayuhin ni Papa ang malayong lugar upang mapalayo ang mararating ng aming pamilya. Kahit ganon, wala akong naging bahid ng sama ng loob kanila Mama at Papa. Habang ako ay tumatanda, mas naunawaan ko pa nga ang kanilang paghihirap at pagmamahal sa amin ni Kuya. Mula sa panunuod ng Dora, ako ay naging ganap na Dora. Dahil sa kanila Papa at Mama, kung saan-saan na kami napupunta. Mula sa aking munting imahinasyon, kami ay nakarating sa mga lugar na may iba’t ibang tanawin at kultura. Sa aking personal na paglalakbay, marami pa akong lalakbayin at tatahakin. Walang kasiguraduhan ngunit umaasa sa magandang kinabukasan.

Ang sigurado ay sa oras na ako ay maging magulang na rin, hindi ako magdadalawang-isip na magsakripisyo at gawin ang makabubuti sa aking pamilya. Ngunit, hindi  ko hangarin ang mangibang-bansa at mahiwalay sa kanila. Kung gayon, saan nga ba ako mapupunta? Kung ang Pilipinas ay aalagaan at pauunlarin patungo sa maka-Pilipinong ekonomiya, mabibigyan ko pa ng magandang kinabukasan ang aking mga anak nang hindi nawawalay sa kanila. Ang pagmamahal sa Pilipinas ay dapat katulad ng pagmamahal ng bawat magulang – ang pagmamahal na walang ibang nais kundi ang pinakamakabubuti sa iyo. Ang pagmamahal na habang-buhay kong pagpapasalamatan kila Mama at Papa. – Rappler.com

Si Stephanie Agatha C. Gonzalvo ay kasalukuyang nag-aaral sa De La Salle University Senior High School-Manila. Siya ay mahilig lumakbay sa kanyang bungantulog at sa totoong buhay.

]]>
https://www.rappler.com/voices/new-school/opinion-love-parents-overseas-filipino-workers/feed/ 0 gone-in-a-snap-october-14-2022 https://www.rappler.com/tachyon/2023/03/Screenshot-2023-03-21-at-12.21.16-PM.png